^

PSN Showbiz

TNT Boys gumawa ng history

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
TNT Boys gumawa ng history
TNT Boys

Bongga ang TNT Boys. Ratsada sila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap at pag-ani ng sunod-sunod na pagkilala at ngayon nga ay sila na ang may hawak ng title na pinakabatang artists na na-sold out ang major concert hindi lang sa Araneta Coliseum kundi sa buong bansa sa kanilang Listen: The Big Shot Concert.

In all fairness, inabangan ang dibdibang biritan at nakakatuwang hiritan nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion sa Big Dome.

Hindi nga binigo ng TNT Boys ang mga dumalo sa concert sa opening nila sa nasabing concert sa pasabog nilang version ng And I Am Telling You I’m Not Going  ng mga nanood na ang iba ay foreigner pa.

Pinalakpakan din ang bonggang rendition nila ng Flashlight, kung saan naging emosyonal ang tatlo na sinabayan pa nang pagtaas ng light sticks at mobile phones ng mga manonood.

Sumama rin sa entablado ang unkabogable star at bida ng pelikulang Fantastica na si Vice Ganda na ipinagmamalaki ang TNT Boys. Matinding tawanan din ang dinala ng  Tawag ng Tanghalan hurado na si K Brosas sa pagbihis niya bilang Jessie J, pagbirit, at pagbato niya ng mga nakakatawang biro.

Isang world-class performance naman ang inihandog ng TNT Boys kasama si Jed Madela sa pagbirit nila ng mga kilala at classic na awitin. Sinamahan din sila ng TNT grand champions na sina Janine Berdin, Jhon Clyd Talili, at Noven Belleza sa pag-awit nila ng We are the Champions na nagpabilib sa mga manonood.

Nakipagsabayan din ang mga kaibigan sa Your Face Sounds Familiar Kids  na sina Xia Vigor, Onyok Pineda, Esang De Torres, Sheena Belarmino, Noel Comia Jr., Chunsa Jung, at Krystal Brimner na nag-impersonate ng ilan sa mga pinakasikat na music icons.

Nagtapos ang concert sa bigay-todo nilang pag-awit ng Listen na umani ng hiyawan at nagpadagundong sa buong Big Dome.

Bukod sa Big Dome, nagpakita rin ng suporta ang mga tagahanga ng trio sa mga nasa bahay lang dahil balitang libo-libong ABS-CBN TVplus subscribers ang nanood ng live concert nila sa KBO.

Bongga sila dahil sunod-sunod nga ang parangal at pagkilalang natatamasa   mula nang mabuo ang kanilang grupo sa Gandang Gabi Vice last year. 

Bukod sa mga natatanggap na award, opisyal na rin silang parte ng ASAP Natin ‘To. May Christmas offering din ang trio nina Mackie, Keifer, at Francis sa paglunsad nila ng kanilang Christmas album na TNT Boys Christmastime sa ilalim ng TNT Records kung saan handog nila ang bersyon nila ng ilan sa mga pinakasikat na Christmas songs.

Pinaabangan din nilang ang pagsali nila sa isang international competition.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with