^

PSN Showbiz

Tama na ang pangne-nega!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tama na ang pangne-nega!
Bong

Bakit nga ba hindi na lang tayo maging maligaya kapag maligaya ang ibang tao na binabatikos pa rin kahit nagdusa na nang mahigit na apat na taon sa kulungan?

Sad ako para sa mga tao na sobra-sobra ang pag­pukol ng mga negatibong komento at opinyon tungkol kay Bong Revilla, Jr. dahil nadadamay ang ating justice system.

Bakit hindi natin igalang ang justice system? Bakit hindi natin igalang ang desisyon ng mga mahistrado?

Iginagalang ko ang hatol ng dalawang mahistrado na hindi nagbigay ng acquittal kay Bong dahil sa kanilang paniniwala pero natutuwa at nagpapasalamat ako sa tatlo na nag-abswelto sa kanya.

Maaaring may mga nakita sila na hindi napansin ng mga naglabas ng dissenting opinion but whatever decision na ibinigay nila, iginagalang ko dahil naniniwala ako sa hustisya.

Democratic ang ating bayan. Puwedeng magtagal ang desisyon ng hukuman pero parehas. Kung hindi tayo maniniwala sa hukuman, sa mga mahistrado, bakit pa tayo nagkaroon ng Sandiganbayan, Regional Trial Court, Court of Appeals at Supreme Court na malalapitan natin at mahihingan ng hustisya?

Igalang natin ang batas. Irespeto natin ang justice system pero kung hindi ninyo matanggap na maging maligaya ngayong Pasko ang Revilla family, nasa inyo ‘yon.

Kung gusto ninyo na may malungkot, okey lang. What you wish for others, ganundin ang karma na darating sa inyo dahil what goes around comes around.

Coco malabong ma-ban sa GMA

Hindi ako naniniwala na balita na banned si Coco Martin sa GMA 7. Hindi naman siguro ganoon ka-petty na hindi puwedeng banggitin sa mga programa ng GMA 7 ang name ng co-star ni Vic Sotto sa promo ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Kapag napapanood ko ang Eat Bulaga, paulit-ulit ang  pagpapakita ng mga eksena ni Coco sa teaser ng Jack Em Popoy at ang introduction sa kanya na Primetime King.

Baka nga nagkaroon lang ng moment si Maine Mendoza kaya hindi niya na-mention ang name ni Coco nang mag-promote siya ng Jack Em Popoy sa Sunday PinaSaya noong Linggo.

Imposible na hindi pagbigyan ng GMA 7 si Coco dahil public knowledge na nagsimula sa Kapuso network ang television career ni Coco.

Huwag na nating bigyan ng malisya ang hindi pagkakabanggit ni Maine sa pangalan ni Coco, baka may malaking pakulo sa announcement ng pelikula nila na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 kaya wait and see tayo.

Sa bait ni Coco, sure ako na nag-melt ang puso ng mga GMA executive na sina Lilybeth Rasonable, Redgie Magno at Gigi Santiago-Lara na excited na makita uli nang personal si Coco sa studio ng Kapuso network.

Bioflick ni Bato may playdate na

Confirmed na sisimulan na anytime soon ang shooting bio flick ni former Philippine National Police Chief Ronaldo “Bato” dela Rosa na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Sa meet the entertainment press ni Papa Bato noong nakaraang linggo, consistent siya sa pralala na si Robin ang type niya na magbida kapag isinalin sa pelikula ang kanyang life story.

‘Yun pala, done deal na ang nego­sasyon dahil si Robin talaga ang gaganap na Papa Bato sa pelikula na pama­mahalaan ng direktor na si Adolf
Alix,
Jr. Take note, may playdate na rin ang pelikula itsurang hindi pa sinisimulan ang shooting dahil sa January 30, 2019 ang target showing sa cinemas nationwide.

vuukle comment

JR.

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with