^

PSN Showbiz

Binata ni Echo hindi mapilit gayahin ang ama

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Binata ni Echo  hindi mapilit gayahin ang ama
Santino at Echo

Mahigit apat na taon nang kasal ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak.  Pero ayaw magpa-stress ng couple dahil alam nilang dara­ting din ito in God’s perfect time.

Sa ngayon ay ini-enjoy nang mag-asawa ang isa’t isa. Kapag libre ang schedule ng singer-actor na si Echo (palayaw ni Jericho) ay nagbabakas­yon sila ng kanyang wife sa ibang bansa. Pero kapag busy si Echo sa trabaho at sa kanyang mga showbiz commitment, naisasantabi ang plano nilang bakasyon.

Busy ngayon si Echo sa top-rating primetime TV series na Halik kung saan niya mga kabituin sina Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion. Meron din siyang Metro Manila Film Festival movie, ang The Girl in the Orange Dress na pinagtatambalan nila sa unang pagkakataon ni Jessy Mendiola mula sa panulat at direksiyon ni Jay Abello.  Ito’y joint production ng Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions.

Although wala pang anak si Echo sa misis, meron naman siyang 18-year-old son sa dati niyang kasintahan, ang dating model na si Kai Palomares na si Santino na halos mas matangkad na sa kanyang ama.

Si Kai mismo ang nagsabi sa amin na wala umanong interest sa showbiz si Santino kundi sa kanyang pag-aaral at sports na kinahihiligan pero bukas siya sa paggawa ng TV commercials na nagawa na rin niya noon.

Baguhang aktor na si Shido, nag-alangan sa pagiging bading

Hindi ikinakaila ng 28-year-old na baguhang actor na si Shido Roxas na nagkaroon umano siya ng hesitation na tanggapin ang isang gay role sa pelikulang Rainbow’s Sunset, isa sa walong pelikulang kahahok sa 2018 Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero kung saan naman nila kasama sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Sunshine Dizon at iba pa mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Sa nasabing pelikula ay gumanap siyang batang Eddie Garcia na nagkaroon ng torrid scenes kay Ross Pasigan na siya namang gumanap bilang young Tony Mabesa. Pero matapos ang masinsinang usapan nila ng kanyang manager na si Leo Dominguez ay nakumbinsi siyang gawin ang role. Thankful din umano siya kay Direk Joel na nakaalalay naman sa bawat eksena na kukunan na kailangang take one lang.

Si Shido ay nagtapos ng Economics sa De La Salle University at kumuha rin siya ng second course in international management sa Japan kung saan siya namalagi sa loob ng limang taon.

Kung ang ina lamang ni Shido ang masusunod ay gusto nitong maging lawyer siya bagay na hindi naman niya gusto. 

Ngayong pinasok na ni Shido na isa ring celebrity endorser ang showbiz, malamang na ito’y ituluy-tuloy na niyang gawin sa tulong ng kanyang ma­nager na si Leo Dominguez.

Chavit namigay ng datung at sasakyan sa party

Mahigit dalawang milyong piso in cash and in kind at kasama na rito ang isang brand new car ang ipinamigay ng businessman-politician na si Gov. Chavit Singson sa ika-limang taong Christmas party ng isa sa kanyang mga kumpanya, ang AloGateway1TECSCO na ginanap sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel in Makati nung nakaraang linggo.

Isang Las Vegas-themed ang naganap na grand Christmas party na dinaluhan ng maraming kilalang personalidad both sa business at showbiz at mga empleyado mismo ng kumpanya.

Namataan namin sa nasabing okasyon ang Concert Queen na si Pops Fernandez, Aiko Melendez kasama ang nobyo nitong mayor ng Subic, Zambales na si Jay Khonghun, ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Daisy Romualdez, Cory Quirino, Jean Saburit, Mon and Raffy Tulfo, Anthony `Tunying’ Taberna at misis nitong si Rossel Velasco-Taberna na siyang nangasiwa ng grand event sa ilalim ng kanyang Outbox Media Productions.

Mabuti na lamang at may private plane si Gov. Chavit dahil nung umaga ng linggo ay lumipad siya patungong Vigan kasama ang Korean K-Pop group na Momoland na may libreng performance sa Vigan kung saan ang kasalukuyang gobernador ay si Gov. Ryan Singson, anak ni Gov. Chavit. Pagda­ting ng 6 p.m. ay bumalik siya ng Maynila from Vigan para naman dumalo sa Christmas party ng isa sa kanyang mga kumpanya.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

KIM JONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with