^

PSN Showbiz

Catriona inaabangan kung makakalusot sa Miss U!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona inaabangan kung makakalusot sa Miss U!
Catriona

Ang kapalaran na lang ni Cantiona Gray sa Miss Universe ang hinihintay ng mahihilig sa beauty pa­geants. Sa December 17 ang coronation night ng Miss Universe sa Bangkok, Thailand, na mapapanood sa ABS-CBN.

Magkasunod ang masaklap na kapalaran nina Jeh­za Huelar sa Miss Supranational 2018 and Katarina Rodriguez sa Miss World 2018 na ginanap sa Sanya, China kagabi at napanood sa GMA 7 na almost 1:00 a.m. na natapos.

Hindi man lang napasama sa top 30 finalists si Katarina. Yes, ang aga niyang natanggal.

Ang matapang na hitsura ng face ni Katrina ang sinisisi ng iba. Ang strong daw ng dating kaya ganun eh ang karaniwan umanong nanalo sa Miss World na pinamumunuan ni Julia Morley ay virginal tulad ni Megan Young na nag-iisang Pinay na nanalo sa Miss World.

Kinoronahang Miss World si Miss Mexico Vanessa Ponce de Leon, na kauna-unahang Mexican na nanalo sa nasabing beauty pageant. Natalo niya ang mga kandidata na umabot sa 117.

SI Katarina ang sinasabing girlfriend ni Javi Benitez na eldest son ni Cong. Albee Benitez.

Tulad ni Katrina na first runner up sa Miss Intercontinental and Asia’s Next Top Model Cycle 2 finalist, si Catriona ay PH representative sa Miss World last year pero hanggang top 5 lang siya.

Mataas ang expectation kay Catriona dahil na rin sa mga papuri sa kanyang popular siya maging sa mga kapwa niya kandidata.

CDO christmas products puwede na sa Honestbee!

Uy wala ka bang oras para mag-shopping? Takot makipagsabayan sa traffic? Ilang araw na lang at Pasko na at isa sa pinaghahandaan ng bawat Pinoy ay ang Noche Buena at Media Noche, family get-togethers, holiday reunions at Christmas parties!

May good news ang CDO!

Makakabili na ng Christmas products nila online sa pamamagitan ng Honestbee.

At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, siguradong ang mga favorite n’yo tulad ng CDO Christmas Treasures, Premium Holiday Ham, Pista Ham, Jamon de Bola, Pear-Shaped Ham, Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at Sweet Preserves ay made-deliver na sa inyong mga tahanan at garantisadong mas magiging masaya at magaan ang Kapaskuhan.

Sa isang simpleng pag-click online, tuloy na tuloy ang mga Filipino tradition ng paghahain ng mga Christmas food tulad ng ham at queso de bola tuwing Noche Buena at Media Noche. At sa pakikipag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed an online delivery that is not just dependable but also easy to navigate na perfect para sa mga busy mothers, yuppies at millennials alike, na mas madalas, naka-depende talaga sa online shopping.

Bukod dito, sinisigurado rin nila para sa kanilang kauna-unahang online store sa Honestbee App na ang CDO Christmas Selection by CDO Food Store ay fresh at direct mula sa kanilang food stores na ihahatid ng Honestbee couriers.

Pinakamatalino at pinamaliit na detektib balik-GMA

Nagbabalik ang pinakamatalino at pinakama­liit na detektib sa telebisyon, Detective Conan sa weekday morning block ng GMA Network simula ngayong Lunes, (Disyembre 10).

Tinatalakay ng anime series na ito ang mysterious adventures ni Shinichi Kudo, isang 17-anyos na detektib na kilala sa kanyang natatanging abilidad sa pagresolba ng mga kaso na kahit ang mga propesyonal na detektib ay hindi malutas.

Nagbago ang lahat sa kanyang buhay nang sapilitan siyang painumin ng mga miyembro ng sindikato ng nakalalasong gamot. Subalit imbis na mamatay siya, pinaliit lamang siya nito sa isang bata.

Gamit ang pangalang Conan Edogawa, nanirahan siya kasama ang kababatang si Ran Mauri. Habang hinahanap ang lunas sa kanyang kondisyon, sikretong tinutulungan ni Conan ang ama ni Ran na si Kogoro sa paglutas sa mga kaso.

Hanggang kailan mananatili Shinichi bilang ang batang si Conan? May pag-asa pa kayang bumalik siya sa normal niyang anyo?

Panoorin ang pinakahihintay na pagbabalik ni Detective Conan simula ngayong Lunes (Disyembre 10), 8:00am sa GMA.

vuukle comment

CANTIONA GRAY

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with