^

PSN Showbiz

Jinggoy at Bong matindi ang ‘bromance!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy at Bong matindi ang �bromance!�
Bong at Jinggoy

Buti na lang pala Mama Salve at hindi tayo natuloy sa Osaka trip natin nila Pat P. at Cris kasama si Leo. Imagine, hindi sana ako naka-attend ng paghahatol ng Sandigan kay Bong Revilla. Hindi ko sana nasaksihan at na-feel iyon feeling of relief na parang tubig na binuhos sa katawan mo after basahin ang verdict na Not Guilty.

Hindi ko alam kung ano talaga meaning ng BROMANCE. Hindi naman yata masama ang connotation ng salitang ito dahil madalas gamitin ng mga Korean sa mga actors nila na mag-bestfriends. Baka naman ibig sabihin lang, solid closeness ng dalawang male friends, ‘yung tipong puwedeng higit pa halos sa pagmamahalan ng brothers. Kasi kung iyon closeness at love ng magkapatid ang batayan, sasabihin ko na may BROMANCE si Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

There was a time na nagkaroon sila ng tampuhan, naayos ni Rudy Fernandez, naging trio of brothers sila hanggang pumanaw si Rudy. Ironically nang mangyari itong PDAF, nagkasama pa sa kulungan sa Crame sila Bong at Jinggoy. For almost three long years, silang dalawa ay nakakulong sa Crame. Nakalabas si Jinggoy, tumagal pa ng isang taon si Bong pero halos araw-araw dumadalaw si Jinggoy kay Bong. Tuwing nakikita ko na nandun si Jinggoy na kumakain, nag-exercise, kuwentuhan, talagang naiiyak ako. Such brotherly love, such closeness. Hindi ko akalain na meron ganitong closeness between males, na ang mga lalaki can openly show their feelings.

Close din mga asawa nila, si Lani Mercado at Precy Ejercito pati mga anak nila. Para talaga sila isang pamilya. Sure ako, kung sa kalakaran sa showbiz na mahilig magbigay malisya, iba ang magiging tingin sa friendship na ito, iba ang magiging kulay. But whatever you call it, whatever brand you want to give, basta I can say LOVE binds Jinggoy and Bong together. Thank you for that love, naka-survive sila sa Crame. They survived the worst, together. Bromance? Ok, go. 

At oo pala, parang eksena raw sa malaking pelikula ang pag-uwi ni Bong sa kanilang bahay noong isang araw!

May “people power” sa harap ng bahay nila sa Bacoor City noong Biyernes nang gabi dahil sa mga kababayan niya na naghintay sa kanyang pag-uwi.

May banda na tumutugtog at masaya ang lahat na paulit-ulit na nag-chant ng “Bong Revilla! Bong Revilla!” nang dumating si Bong, kasama ang kanyang misis, si Bacoor City Lani Mercado at ang kanilang mga anak.

Sa kanyang speech, sinabi ni Bong na taas-noo ang mga Kabitenyo sa acquittal niya sa plunder case na kinasasangkutan dahil napatunayan na wala siyang kasalanan.

Hindi matapos-tapos ang pasasalamat ni Bong sa kanyang mga kababayan na walang sawa na nagdasal para makalaya siya makalipas ang mahigit sa apat na taon na pagkakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

At kung meron pang isang pinakamaligaya siyempre si Mang Ramon Revilla, Sr., ang ama ni Bong na tuwang-tuwa dahil nakauwi na sa Bacoor ang kanyang anak.

Kahit may karamdaman si Mang Ramon, updated ito sa mga nangyayari sa kaso ni Bong dahil nagbabasa siya ng mga diyaryo at pinapanood ang mga news program.

Panay ang thumbs up sign ni Mang Ramon nang magkita sila ni Bong nang personal sa bahay nila sa Bacoor City.

Sa edad na 91, malinaw at matalas pa rin ang isip ni Mang Ramon kaya marami ang kumbinsido na may agimat siya.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with