^

PSN Showbiz

Coco malabong makapag-promote sa Showtime!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Parental Guidance (PG) recommended  ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Fantastica dahil sa mga double meaning joke at pangalan ng mga karakter ng pelikula ni Vice Ganda na official entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

SCENE: Sina Anne Curtis, Kim Chiu at Gloria Romero ang sinasabing top contenders sa best actress category ng Gabi ng Parangal ng MMFF. Si Anne ang lead actress ng Aurora ng Viva Films, si Kim sa One Great Love ng Regal Entertainment Inc. at si Gloria Romero naman ang lead star ng Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment.

SEEN: Ginastusan ng Viva Films ang set ng Aurora sa Batanes dahil sa bahay na ipinatayo at ginamit bilang tahanan ng karakter ni Anne.

Scene: Dalawang linggo na absent si Anne Curtis sa It’s Showtime dahil sa shooting ng Aurora sa Batanes. Memorable kay Anne ang dalawang linggo na pamamalagi sa Batanes dahil mababait ang mga residente at napakaganda ng lugar.

SEEN: Ang haka-haka na hindi mangyayari ang sinabi ni Coco Martin na makakapag-promote siya ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa It’s Showtime dahil hindi niya na-promote sa noontime show ni Vice Ganda noong 2017 ang Ang Panday, ang kanyang pelikula sa MMFF noong nakaraang taon.

SCENE: Kara Mia na ang bagong pamagat ng Ang Dalawang Mukha ni Guadalupe, ang upcoming afternoon television series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Barbie Forteza.

SEEN: Muling nabigo ang Pilipinas na manalo ng korona sa Miss Supranational 2018 na ginanap kahapon sa Kyrnica-Zdroj, Poland dahil nakabilang lang sa Top 10 candidates si Jehza Huelar.

SCENE: Miss Supranational 2018 si Valeria Vazquez Latorre ng Puerto Rico, 1st runner up si Katrina Jayne Dimaranan ng USA, 2nd runner up si Magdalena Bienkowska ng Poland, si Wilda Octaviana Situngkir ng Indonesia ang 3rd runner up at 4th runner up si Diana Romero ng Mexico.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with