^

PSN Showbiz

Julie Anne umiwas matanong kay Benjamin

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne umiwas matanong kay Benjamin
Julie Anne

SEEN: Tumanggi si Julie Anne San Jose na magpainterbyu sa Christmas Party for the Press ng GMA 7 noong Martes nang gabi. Iniiwasan ni Julie Anne ang magsalita sa napapabalita na break up nila ni Benjamin Alves ang hinala ng mga reporter kaya hindi siya nagpaunlak na magpainterbyu.

SCENE: Bashing victim uli si Jessy Mendiola ng fans ni Enrique Gil dahil sa sinabi niya sa presscon ng The Girl in the Orange Dress na hindi pa humihingi sa kanya ng paumanhin ang aktor mula nang mangyari ang pambabastos nito sa loob ng eroplano noong September 2015.

SCENE: Ang PDA nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa grand presscon ng Fantastica sa Dolphy Theater noong Lunes nang gabi. Tatlong loveteams ang mapapanood sa filmfest movie ni Vice Ganda, ang loveteam nina Ronnie at Loisa, ang tandem nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin at ang sikat na tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

SEEN: Iniiwasan ng mga reporter na interbyuhin si Donny Pangilinan dahil nagtatanong muna ng listahan ng mga itatanong sa kanya ang mga tao sa paligid niya.

SCENE: Star-studded ang Fantastica dahil labing-anim na artista ang kasali sa pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Ang Fantastica ang sinasabi na “local comedy version at counterpart” ng The Greatest Showman.

SCENE: Nasanay nang kumain ng adobo at ng ibang mga pagkain na Pinoy ang American singer na si Brian McKnight dahil sa kanyang Filipino wife na si Leilani Malia Mendoza ng Plaridel, Bulacan.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with