^

PSN Showbiz

Kalaban nina Vice at Coco, sa award na lang umaasa

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kalaban nina Vice at Coco, sa award na lang umaasa
Vice

Halos lahat ng mga kasaling pelikula sa Metro Manila Film Festaval 2018 ay nagsasabing pang-award sila. Parang nawalan na sila ng pag-asa na makapagbigay ng magandang laban sa takilya sa dalawang movies na tinatayang magbabakbakan sa takilya. Kay Vice Ganda ‘yung isa at kina Vic Sotto at Coco Martin yung pangalawa. Kaya marahil sa awards na lamang lumulugar at umaasam ng panalo ‘yung anim pang entry, dahil dehado sila sa box-office?

This early, ratsada na sa promo ang walong pelikula. Ganda na lamang ng kuwento at galing ng mga artistang lumalabas sa mga pelikula ang bibigyan ng malaking konsiderasyon ng mga manonood.

Marunong na raw manood at pumili ng pelikulang pano­noorin nila ang mga milenyal. Nakakatawa yung trailer nina Vice at Coco/Vic. Interesting naman yung kina Eddie Garcia at Tony Mabesa. Pero, malakas ang clamor sa mga nakakatakot at nagpapaisip na movies na tulad ng ginawa nina Anne Curtis, Jessy Mendiola at Ri­cci Rivero bagaman at hindi na yata mawawala sa uso ang love stories tulad ng entry nina Kim Chiu at ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex.

Christmas Party ng Kapuso, maraming napasaya

Masaya yung Christmas party ng GMA na medyo late nang nakapagsi­mula dahil mahigit sa kalahati ng imbitadong press ay nanggaling pa sa presscon ng dalawang MMFF 2018 movies.

Kahit kakaunti pa ang mga bisita ay nagpakain na ng dinner. Bago ito, may pre-dinner ng balut at puto bumbong. Si­nimulan na rin ang mga pa-raffle at palaro na in-enjoy ng lahat. Ako ay nanalo ng P2,000. Maliit kung ituturing pero, bumawi ako nang mapili akong Female Star of the Night na may prem­yong P5,000 at trophy and sash. Nakasali rin ako sa larong charade pero, consolation lang ng P500 SM gift check ang tinanggap namin ng grupo ko.

Magagaling na host sina Nar Cabico, Betong Sumayao at Patricia Tumulak ng Wowowin. Si Nar ang galing palang performer. Magalang din silang tatlo sa lahat ng mga sumaling taga-media sa mga game. Galing na galing ako sa Clashers na nag-provide ng musical numbers. GMA will have to exert extra effort para mapasikat sila dahil ang galing talaga nila. By the time na mag-SRO ng venue, masaya na ang lahat sa kaganapan.

Salamat GMA para sa isang media Christmas party. Mukhang napagod ang corporate PR head na si Angel Javier sa pag-asikaso sa mga bisita nila dahil para yatang absent ang mga executive ng network na dati ay present sa party for the press.

Loisa at Ronnie kailangang humabol kina Mayward at KissDon

Sino kaya sa tatlong loveteams na kasama sa MMFF 2018 movie ni Vice Ganda ang magbibigay ng pinakamahabang pila sa takilya? Pawang may malaking following ang MayWard, KissDon at LoiNie pero, aling tambalan kaya ang magsisilbing alas para sa Unkabogable Star?

Dapat mag-effort ang Ronnie/Loisa tandem para hindi sila mapag-iwanan ng dalawang kasamahan nilang love­team.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with