^

PSN Showbiz

Kathryn may basbas nang pakasal kay Daniel

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kathryn may basbas nang pakasal kay Daniel
KathNiel

Tuluyan nang lumevel up ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Iisipin mong si DJ at hindi si Tommy Esguerra ang kapartner ni Kathryn sa Three Words to Forever pero, sa dalas nitong makita sa set at sa presence nito sa halos lahat ng aktibidad ng pelikula including local and international premiere nights.

Pumupunta ito ng set ng movie at minsan ay napanood ang isang sweet moment scene nina Kathryn at Tommy. Sa halip na ma-intimidate si Tommy sa pre­sence ng boyfriend ng kapareha niya ay grateful ito sa tulong na ibinibi­gay ng sikat na aktor sa kanilang pelikula. 

Bagaman at hindi naa­pektuhan ang trabaho ni Kathryn lalo na sa paggawa ng mga kissing scenes nila ni Tommy na nasaksihan ng personal ng bf niya, hindi siya sigurado sa magi­ging reaksyon niya kapag si Daniel naman ang gumawa ng kissing scenes at lovescenes kahit hindi sa presence niya. “Hindi pa ako handa pero, kakayanin ko dahil kailangan,” sabi din ng magaling na ka­bataang aktres na uma­ming pumayag na ang kanyang mom sakali man magpasya sila ni Daniel na magpakasal na pero, hindi pa agad-agad. “Bata pa rin si mommy nang mag-asawa siya kaya okay sa kanya na mag-asawa ako in my mid 20s,” paliwanag pa ni Kathryn.

PAO tuloy ang paghingi ng hustisya sa Dengvaxia

Wala talagang hindi gagawin si Atty. Persida Acosta ng Public Attorneys Office (PAO) para hindi mabigyan ng hustisya ang maraming kabataang namatay matapos mabigyan ng Dengvaxia vaccine. Ito ay sa kabila ng pagtatangka ng marami na maiiwas ang sarili nila sa res­ponsibilidad ng pagkamatay ng mga biktima na marami ay kabilang sa mahihirap na pamilya pero ang mga magulang ng mga namatay ay inilagay ang kapala­ran nila at ng mga namatay nilang anak sa kamay ng masipag at pursigidong abogado at na­mu­muno ng PAO ang hinahangad nilang hustisya. 

Ngayong tapos na ang PAO sa proseso ng pag­hahanap ng mga kinakailangang patunay, panahon na lamang ang hihintayin para malaman kung nasa panig nila ang hustisya. Katulad din ng panahong ibi­ni­gay nila para maparusahan ang mga pulis na may kinalaman sa pagkamatay ng kabataang si Kian delos Santos sa isyu ng ipinagbabawal na gamot.

Club Mwah owner lifetime achiever na sa Aliw

Lifetime achiever na si Pocholo Mallilin ng Aliw Awards. Tatanggapin niya ang awards niya sa December 13 sa isang makulay na seremonya sa Manila Hotel.

Sa ganda ng mga ipinalalabas nilang mala-Broadway numbers sa Club Mwah, deserved ni Pocholo ang pagkilala na matatanggap niya.

Mahigit isang dekada nang dinudumog ang lugar niya sa Mandaluyong ng mga local and foreign audiences dahil sa mga magaganda nitong palabas na ginagampanan ng Follies de Mwah mula sa direksyon ni Cris Nicolas, isa ring award winning artistic director and choreographer at katulong ni Pocholo sa pagpapatakbo ng Club Mwah. 

Zsa Zsa naghahanda sa kasal

Buti na lamang at may farm na napapaglibangan ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, nababawasan ang iniinda niyang kalungkutan dahil sa pagkakatsugi niya sa ASAP. Diumano’y tinanggihan nito ang offer ng programa na ma­ging on call siya. Mas minarapat nitong pairalin ang amor propio niya at samantalahin ang panahon na nakuha niya para mas mapaunlad ang farm nila ng partner niyang si Conrad Onglao at mabigyan panahon ang kasal nila.

Sigurado namang marami pa siyang makukuhang shows hindi lamang may kinalaman sa pagkanta kundi maging sa pag-arte. 

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with