^

PSN Showbiz

Galing ng Bayan ni Mikey, pinarangalan sa Volunteerism Month!

Pilipino Star Ngayon
Galing ng Bayan ni Mikey, pinarangalan  sa Volunteerism Month!

MANILA, Philippines — Kinilala ang Galing ng Bayan Foundation, na pinangungunahan ng civic leader na si Mikey Belmonte, bilang isa sa outstanding organizations for 2018 ng Quezon City local government para sa celebration ng Volunteerism Month.

Pinasalamatan ang Galing ng Bayan... sa kanilang kontribusyon sa pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad ng siyudad at ng mga residente nito.

“Nagpapasalamat ako sa pagkilala sa amin. Hindi namin ito inasahan, malaking karangalan ito at magiging inspirasyon para lalo pa kaming magsipag,” sabi ni Mikey na personal na tinanggap ang award sa ginanap na flag ceremony kahapon ng umaga.

Binigyan-diin ni Mikey, anak  ni STAR president and CEO Miguel G. Belmonte, ang importansiya ng ‘volunteerism’ sa pampublikong-sektor.

“It is an opportunity to give back to the people and make a difference in their lives,” pahayag niya. “Masaya ako na nakakapagbigay kami ng mga programang nakatuon ang serbisyo sa kalusugan, edukasyon at kabuhayan,” dagdag ng 27-year old na bata pa lang ay mulat na sa pagtulong.

Ang Galing ng Bayan Foundation Inc. ay isang  non-stock and non-profit foundation na ang layunin ay makatulong para sa matatatag na bayan katuwang ang mga residente na marunong magpalago ng negosyo gamit ang kanilang husay sa pana­nalapi na hindi kinakalimutan ang responsibilidad sa isang komunidad.

Isa sa kanilang main project ang Diskarte para sa Masaganang Bukas (Diskarteng MB), isang financial literacy program na ang misyon ay turuan ang mga residente ng QC kung paano humawak ng pera para sa araw-araw na gawain. Ang mga sumaling umabot sa 290 ay magkakaroon ng ‘gra­duation’ bukas, December 5.

Ang nasabing foundation ay nakipag-tuwang sa social arm ng STAR na Operation Damayan para sa Masaganang Bukas Learning Centers sa apat na barangay sa QC.

Itinatag ng Quezon City Barangay and Community Relations Department, ang Local Outstanding Volunteer Awards ay kumikilala sa mga mga organisasyon at indibidwal na ma­laki ang naiambag sa siyudad sa pamamagitan ng pagpapalawak  at pagbibigay ng kahalagahan sa lakas ng volunteerism.

Ang nasabing award ay kasabay nang ginaganap na taunang Volunteerism Month sa QC.

Ilan pa sa mga pinarangalan ang Soroptimist International of Quezon City;  Grain Foundation for PWDs Inc.; Sama­hang Kababaihan Nagkakaisa Para sa Ikauunlad ng Bayan Inc.; JCI Quezon City Diamante; Cubao Zion Fire & Rescue Volunteer Association Inc.; Philippine Relief and Development Services; Quezon City Council of Sectoral Representatives; Philippine Association for Citizens with Developmental and Learning Disabilities; and the People Engaged in People Pro­jects Foundation Inc.

Kinilala rin ang Resources for the Blind Inc.; House with No Step Foundation Philippines Inc.; Kababaihan ng Barangay Pinagkaisahan; QC Performing Arts Development Foundation Inc.; LNMI – Philippines Inc. (Living New Ministries); NORFIL Foundation Inc.; Botocan Blood Donors Club; 4Ks Task Force Solo Parents Association of QC; Sining Bahandi Youth Filmmaker; at People 360 Consulting Corporation.

Si Brian James Lu ang tumanggap ng Individual Volunteer Award habang si Rev. Daniel Martin  ang kinilalang Individual Foreign Volunteer Awardee.

Pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at iba pang member ng City Council ang awarding ceremonies.

vuukle comment

MIKEY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with