^

PSN Showbiz

Kiko nagmadaling maging Kapamilya!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kiko nagmadaling maging Kapamilya!
Kiko

Hindi lamang sina Regine Velasquez, Raymart Santiago at Keempee de Leon ang bagong lipat sa Kapamilya Network galing Kapuso Network kung hindi ma­ging ang 23-year-old young actor na si Kiko Estrada, anak ng actor na si Gary Estrada sa nakatatandang kapatid ng actor na si Joko Diaz, ang aktres na si Cheska Diaz.

It was in October nang mag-expire ang kontrata ni Kiko sa GMA 7 at pagkatapos nito ay lumipat siya ng Kapamilya Network for a new TV series na pinamagatang Kapalaran na ta­tampukan ng unang tambalan sa telebisyon nina JM de Guzman at Arci Muñoz kasama sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Maris Racal at iba pa.

Kung matatandaan pa, naging Kapa­milya din noon si Kiko sa loob ng dalawang taon, 2012 – 2014 nang kanyang gawin ang teleseryeng AnnaLiza at Angelito: Batang Ama.  Pero in 2014 ay bumalik siya ng GMA kung saan siya namalagi sa loob ng apat na taon.

Napabalita naman in July this year na lumipat na rin ang ex-husband ni Claudine Barretto na si Raymart sa bakuran ng Kapamilya Network at kasalukuyan nitong ginagawa ang Starla na pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos. Bukod kina Juday at Raymart, tampok din sa Starla na siyang magsisilbing comeback ni Juday sa paggawa ng teleserye sina Joem Bascon, Simon Ibarra, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Meryll Soriano, Janus del Prado, Joel Saracho, Bodjie Pascua, Gabe Mercado at Joel Torre.

Si Keempee de Leon naman ay kasama sa cast ng Nang Ngumiti ang Langit na pinangungunahan nina Cristine Reyes, RK Bagatsing at dating GMA actor na si Enzo Pineda. Kasama rin sa nasabing serye sina Dante Rivero, Pilar Pilapil, Ces Quesada at iba pa.

Although may mga dating actor ng Kapamilya Network ang nagsisilipatan sa GMA na ang pinaka-recent ay sina Jason Abalos at Rayver Cruz, mas marami pa ring talent ang nagmumula sa GMA ang lumilipat sa bakuran ng ABS-CBN. Nariyan sina Angel Locsin, Iza Calzado, Paulo Avelino, Jake Cuenca, Toni Gonzaga, Aljur Abrenica, Louise de los Reyes, Richard Gutierrez, Isabelle Daza, Enzo Pineda, Billy Crawford, Jaya, Kyla, Jay-R, Jona (Jonalyn Viray), at iba pa.

Galing naman sa Kapamilya Network ang mga Kapuso actors na ngayong sina Dennis Trillo, Megan Young, Lauren Young, Tom Rodriguez, Rafael Rosell, Kristoffer Martin, Jason Francisco, at iba pa.

Since hindi naka-exclusive contract ang karamihan sa mga veteran actor, nagagawa nilang magpalipat-lipat ng TV network  and on a per projects basis na lamang ang kanilang kontrata with the network.

Momoland suki na sa ‘Pinas!

Tiyak na matutuwa ang Filipino fans ng all-girl Korean group na Momoland na binubuo ng nine members na sina Hyebin, Yeon Woo, Jane, Taeha, Ngayun, Daisy, Jooe, Ahin at Nancy dahil babalik sa bansa ang K-Pop group ngayong Lunes, December 3 for a fan greet na gaganapin sa Vertis North Tent.

Bukod dito, darayo din ang grupo sa Vigan, Ilocos Sur para naman ma-meet niya ang kanilang mga tagahanga  sa nasabing lugar na pinamumunuan ni Gov. Ryan Singson on December 9.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with