^

PSN Showbiz

Pero pakakasal muna? Aicelle papasok sa Hamilton!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Marami ang humuhulang si Aicelle Santos ang bagong ipapasok sa bestselling na theater production sa United Kingdom na Hamilton.

Pagkatapos magwagi ni Rachelle Ann Go bilang Best Actress sa UK Broadway World, may isang Pinoy artist nga raw ang ipapasok sa Hamilton.

Hindi pa alam kung kailan siya magsisimula dahil may iba raw itong commitment na kailangang tapusin.

Kung si Aicelle nga ito, ang pagpapakasal kaya niya kay Mark Zambrano ang isa sa commitment na kailangan niyang tapusin?

Ang pagkakaalam ko, April ang schedule ng kasal, kaya kailangang umuwi muna siya rito.

Ayaw lang muna kaming sagutin ng mga nakakaalam dahil mas mabuting hintayin na lang daw ang announcement mismo mula sa bumubuo ng Hamilton.

Sa ngayon, wala muna silang sagot kung sino nga ito.

Pero sa totoo lang, ang dami pa sa ating magagaling na singers na puwede pang isabak sa Broadway at Westend.

Nakaka-proud ang magagaling na­ting singers na matagal nang napapansin at nagpapasikat sa ating bansa.

Soundstage ng ABS-CBN mala-Universal Studios ang dating

Nabalitaan naming ngayong December daw ay magsisimula nang mag-dry run ang Phase 1 na malaking studio na ipinapatayo ng ABS-CBN 2 sa San Jose del Monte, Bulacan.

Matagal nang pinag-uusapang lilipat na nga raw doon ang ABS-CBN 2 at meron na nga raw ibang Kapamilya stars na bumili na rin ng property doon.

Ilan sa narinig naming bumili na roon ay sina Coco Martin at Angel Locsin.

Nakausap namin si Congresswo­man Rida Robes kamakalawa ng gabi sa programa naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH, at sinabi nga niyang malapit na raw matapos ang Phase 1 ng ABS-CBN 2 studio na tinawag nilang Soundstage.

Ayon kay Cong, Robes, may 180 hectares na property raw doon ang ABS-CBN 2 at apat na ektarya raw ang gagamitin ng Dos para sa kanilang Soundstage. Mala-Universal Studios daw ang dating na kung saan doon na lahat magti-taping ang mga programa nila.“It’s a one-stop shop for all the entertainers, mga kasamang artista na talagang hindi lang sila maghahanap ng television shooting na location, nandiyan na lahat.

“Yung phase 1 gawa na. Hindi naman sila makagawa lahat agad-agad kasi napakamahal,” bahagi ng pahayag ni Cong. Rida Robes.

Tinanong na rin namin ang Representative ng lungsod ng San Jose del Monte, kung makakaapekto ba rito ang sinasabi ni Pres. Rodrigo Duterte na ‘di pag-renew ng franchise ng naturang network?

Paano na nga naman sila makapagtrabaho kung sakaling totohanin nga ang sinasabi ng Pangulo na hindi niya papayagang makapag-renew ng franchise ang malaking TV network na ito.

Hindi naman daw makapagsalita si Cong. Rida Robes on behalf of ABS-CBN 2.

Pero sabi ni Cong. Robes; “Actually kasi yung sinasabi naman ng ating mahal na Pangulo is more on the franchise. It’s more of a franchise they’re talking about.

“Ito kasi ibang line of business naman ito dito sa lungsod ng San Jose del Monte, it’s more of a theme park na studio…yung Soundstage. Hindi na kailangan ang ganun.”

Kaya mabilis daw at malaki na talaga ang ipinagbago ng San Jose del Monte, Bulacan dahil sa nagsimula na ring magsulputan ang ibang negos­yo.

Malaki ang tulong nitong Soundstage ng ABS-CBN 2 para makapagbigay ng dagdag na trabaho sa mga tagaroon at mas marami pang negosyong mabubuksan.

Puspusan na rin daw ang pag-ayos ng naturang lungsod, gaya ng road widening at pag-ayos ng mga drainage.

Malaking tulong din daw, lalo na sa traffic kapag matapos na ang MRT 7 na abot nga raw sa kanila.

 

vuukle comment

HAMILTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with