^

PSN Showbiz

Nauna nang nabiktima ang ex, pagiging dudera at selosa ng young actress nabuko ng aktor na magaling!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mapaparolado ang isang young actor na dating karelasyon ng isang magandang young actress. Mukhang mababaligtad ang senaryo dahil sa mga kuwentong naglulutangan ngayon tungkol sa ugali ng young female personality.

Nagkahiwalay sila. Ayon sa kampo ng young actor ay wala namang nangyaring hindi maganda sa kanilang paghihiwalay, kuwentong-kutsero lang daw ang pisikal na engkuwentro nila, dahil ang totoo ay gusto na talagang kumalas sa kanya ng young actress.

Kuwento ng aming source, “Gawa-gawa lang kuno ang mga sinabi ng girl na sinaktan siya ng boyfriend niya. Walang ganu’n, todo ang pagdedenay ng guy, di ba?

“Gumawa na lang kuno ng dahilan at paraan ang girl para makalabas na sa relasyon nila dahil meron na siyang bagong nagugustuhan. Araw-gabi kasi niyang nakakasama sa location ang isang guwapong male personality,” pabiting unang kuwento ng aming impormante.

Tapos na ang relasyon nila, nauwi na ang atensiyon ng young female personality sa magaling na aktor na palagi niyang kasama sa trabaho.

“Ayaw lang nilang umamin pero matagal nang sila. Pinoproteksiyunan lang ng guy ang babae dahil parang napakabilis niya namang nakalimot sa past relationship niya.

“May malasakit ang guy sa young actress, mahalay nga namang tingnan na katatapos lang ng relasyon nila ng young actor, may love on the rebound na agad siya?

“Hanggang ngayon, napakasama pa rin ng loob ng ex niya sa nangyari. Sana nga naman, e, sinabi na lang niya na hindi na siya masaya, kesa naman sa nag-imbento pa siya ng kuwentong sinasaktan siya,” kuwento uli ng aming impormante.

Magulo ang relasyon ngayon ng magandang young actress at ng magaling na aktor, ayon sa mga kuwento ay hindi kayang sabayan ng lalaki ang ugali ng young female personality, dahil sobrang dudera at selosa siya.

“’Yun din pala ang madalas nilang pag-awayan nu’n ng ex niyang young actor. Too demanding daw ang babae, napakaselosa at mahilig magduda.

“’Yun din ang problema nila ngayon ng magaling na aktor na gusto niya nang hawakan sa leeg. Lahat ng kilos ng guy, e, binabantayan niya dahil sobrang possessive nga siya.

“Ano kaya ang masasabi ngayon ng ex niya sa magaling na aktor na ipinalit niya, ‘Welcome to the club?’ Pareho kasi ang karanasan nila, sobrang selosa at dudera ang young actress!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pagpapakasal ni Jake kino-kontra, relasyon sa ex hindi sineryoso!

Nabubulabog na naman ang mundo ni Jake Zyrus dahil sa kanyang pag-aanunsiyo na malapit na silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.

Kung anu-anong mapapaklang paghusga na naman ang ibinabato ngayon laban kay Jake Zyrus, sana raw ay sarilinin na lang niya ang kanyang mga plano, huwag nang ipagkamaingay pa.

Oo nga’t tanggap na raw ng mga kababayan natin ang paglalantad niya sa katotohanang pusong-lalaki siya ay puwede na siyang magpakakaswal sa pagkukuwento tungkol sa kanyang mga plano.

Hindi rin nagustuhan ng mga tagahanga ng dating ka-live-in na si Alyssa Quijano ang kanyang pahayag na sa lahat ng nakarelasyon niya ay si Shyre na talaga ang sa unang pagkikilala pa lang nila ay alam na niyang makakasama na niya forever.

Ano raw ang relasyon nila nu’n ni Alyssa, laro-laro lang, samantalang napakalaki ng ginawang pagsasakripisyo nito sa nakaraan nilang relasyon?

“Nadamay pa nga si Alyssa sa kaguluhan ng family nila, nilait-lait ng pamilya niya si Alyssa, tapos, ganyan ang sasabihin niya?” isang mensaheng ibinabato kay Jake ngayon.

Kumaliwa at kumanan man si Jake Zyrus ay siguradong may kokontra at kokontra pa rin sa kanya. Anuman ang sabihin niya ay siguradong may boboldyak pa rin sa kanya.

Kasi nga ay kakaiba sa iba ang relasyon nila ni Shyre Aquino. Kasi nga ay hindi pa isandaang porsiyentong tanggap sa ating kultura at lipunan ang pagpapakasal ng dalawang taong may magkaparehong kasarian.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with