^

PSN Showbiz

Yeng naiinggit kay Angeline!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yeng naiinggit kay Angeline!
Yeng & Angeline

Kinaiinggitan umano ni Yeng Constantino ang isang katangian ni Angeline Quinto at iyon ay ang pagiging pala-kaibigan ng huli. Matalik na magkaibigan ang dalawa at ayon kay Yeng ay talagang napahanga siya sa ugaling ito ni Angeline.

“Seryoso, naiinggit ako kay Angge. Kasi siya ‘yung tao na kayang makagawa ng rapport, kahit kanino. At ang bilis-bilis niyang makagawa ng rapport sa tao. Ang bilis-bilis niyang makabuo ng friendship. Kasi po siguro sa mga hindi nakakakilala kay Angge ay napaka-friendly niya po talaga,” pagbabahagi ni Yeng. 

Para kay Yeng ay natural na malapit sa tao ang kanyang kaibigan. “Kahit sa akin, she will just make you feel comfortable kapag nagkakilala kayo. Parang hindi ka mai-intimidate sa kanya. Kaya niyang i-approach kahit sino, boss hanggang janitor. Talagang isa ‘yung trato ‘yung ni Angge sa lahat. So nakakainggit, friendly talaga,” dagdag pa ni Yeng.

JK walang planong mag-sorry kay Darren

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si JK Labajo tungkol sa naging alitan nila ni Darren Espanto sa Twitter mahigit isang buwan na ang nakalilipas. Nag-tweet diumano si JK ng mapanirang salita tungkol kay Darren na may kinalaman sa sekswalidad ng huli. Nabura na rin kaagad ang nasabing tweet diumano ni JK pero ayon sa singer ay talagang hindi niya magagawang siraan ang kaibigan. 

“The thing kasi with all these interviews, ilalabas ‘yung article, ‘yung mga tao and everything, mababasa nila, lalaki pa ‘yung issue. Well, even though in the first place hindi ako ang nagpalaki ng issue. I did not want an issue in the first place. Kasi I privately messaged him. If ginusto ko ‘yung issue na lumaki, dapat ako pa nag-post no’ng una,” makahulugang pahayag ni JK. 

Para sa binatilyo ay hindi na siya dapat naapektuhan nang pumutok ang isyu dahil talagang wala naman siyang kinalaman dito. “I don’t feel bad kasi I didn’t do anything. Kasi hindi naman gano’ng kakapal ang mukha ko para magsinungaling to the extent pati sa harap ng mga boss. You know what I mean,” giit ni JK. 

Wala ring planong humingi ng tawad ang singer kay Darren dahil wala siya talagang gina­wang masama sa kaibigan. “I will apologize if I did something. Well, iba-iba kasi ang paniniwala ng mga tao. Hindi ko na mababago ‘yon, so let it be. Ako, okay na ako sa issue, tapos na ako. Even way back then I chose a different path. We’re fine, everything’s quiet. For sure this article will make everything loud again for quite some time. And then it will go down again. ‘Yan ang nangyayari sa lahat ng issue. Lumalaki tapos nakakalimutan. So it’s part of showbiz, it’s part of the industry. Pinasukan ko ‘to eh so it’s part of it,” pagtatapos ni JK.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with