^

PSN Showbiz

Jake di napantayan si Charice

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Special participation ang billing ng pangalan ni Maricel Soriano sa The General’s Daughter, ang primetime television series ng ABS-CBN na tatampukan ni Angel Locsin. Hindi pa naglalabas ng official announcement ang Kapamilya management kung ang The General’s Daughter ang ipapalit nila sa timeslot ng FPJ’s Ang Probinsyano kapag nagwakas na ito.

SCENE: Hindi kumpleto ang attendance  ng fans ng KathNiel at ni Sharon Cuneta sa premiere night ng Three Words to Forever noong Martes dahil kulang ang mga nagsisigawan na taga-hanga at supporters.

SCENE: Sa walong pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018, ang Otlum ng Horseshoe Productions ang walang ingay kaya pinangangambahan ang magiging kapalaran sa box office ng “launching movie” ng basketball player na si Ricci Rivero.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Paolo Ballesteros ang kanyang 36th birthday. Maligaya si Paolo dahil sa kanyang bagong inspirasyon na may code name na “Oso.”

SCENE: Mahihirapan si Jake Zyrus na makuha ang simpatiya at maibalik sa kanya ang paghanga ng publiko noong Charice Pempengco pa siya dahil negative ang mga reaksyon tungkol sa engagement nila ng girlfriend niya na si Shyre Aquino.

SEEN: Siyam na maleta ang bitbit ni Miss Universe Philippines Catriona Gray nang lumipad siya kahapon sa Bangkok, Thailand para sa activities at coronation ng 67th Miss Universe na magaganap sa Impact Arena sa December 17.

SEEN: Sapaw na sapaw si Alice Dixson sa effortless acting ni Iza Calzado sa mga confrontation scene nila sa Ngayon at Kailanman ng ABS-CBN.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with