^

PSN Showbiz

Indie films mas may tsansa sa ibang bansa!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kaya naman pala mas gusto ng mga producer ng indie films na dalhin ang mga pelikula nila sa abroad dahil mabilis silang nakakasali sa mga film festival at madalas ay nakakatanggap pa ng mga parangal.

Yung movie na pinrodyus ni Alessandra de Rossi kasama ang ilang kaibigan niya ay marami ang naghahanap, dahil maganda ang review dito pero hirap namang mapuntahan ang mga sinehan na sumalo rito.

Mayroon pa ring isang comedy na nakatakdang ipalabas pero, hirap hanapan ng sinehang tatanggap dito.

Wala rin daw sinehan na gustong tumanggap sa isang comedy na nakakatawa talaga at magagaling ang mga artista dahil ang gusto ng theater owners ay yung mga sure fire hits. Tsk. tsk. tsk.

Lovi hindi na nararamdaman sa GMA!

Mabuti na lamang at hindi nakakaisip lumipat ng network si Lovi Poe kahit na ang tagal na niyang walang assignment sa GMA-7. Marami namang projects na puwedeng ibigay sa kanya pero, napupunta sa iba.

Mabuti na lamang at marunong siyang magparamdam sa publiko kaya hindi pa rin siya nakakalimutan. She’s not getting any younger. Araw-araw ay may mga dumara­ting na bago at kabataang artista.

Ken sure na ang pagiging best actor

Nakasisiguro na ng acting nomination, kung hindi man ay isang tropeo si Ken Chan para sa serye niyang My Special Tatay sa susunod na Derby Awards dahil sa galing niya sa pag-arte bilang may autism.

Sa kabila ng pagyayaring nakatapat siya sa isang maganda rin at sinusubaybayang serye ay nananatiling mataas ang rating ng kanyang serye na ang karakter niyang Boyet ay isa sa kinagigiliwang karakter sa TV.

Grateful si Ken sa suporta sa kanya ng manonood, at maging ng kanyang network sa walang sawang pag-iisip nila ng mga makabuluhang proyekto para sa kanya.

Shaina at RK gaganaP na may HIV!

Tampok sina Shaina Magdayao at RK Bagatsing sa episode ng Maa­lala Mo Kaya na dinirek ni Raz dela Torre at ipapalabas sa December 1.

Gaganap sila bilang mga magulang na may HIV at naipasa sa kanilang anak na hindi pa nila nalalaman.

Nagalit ang kanilang anak nang malamang nahawaan siya nito at inilihim para lang magkaroon siya ng normal na buhay.

Napapanahon ang kuwento dahil isa ang ating bansa sa may pinakama­raming kaso ng HIV.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with