^

PSN Showbiz

Sa rami nang pinagdaanan, Gary hinding-hindi malilimutan ang 2018

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sa rami nang pinagdaanan, Gary hinding-hindi malilimutan ang 2018
Gary

Hinding-hindi makalilimutan ni Gary Valenciano ang 2018 dahil sa mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay.

Matatandaang naoperahan sa puso ang singer at nakipaglaban din sa kidney cancer. Nagkahiwalay ang anak na si Gab Valenciano at asawa nito kamakailan. Pagkatapos nito ay nagkahiwalay naman ang bunsong anak na si Kiana Valenciano at Sam Concepcion bilang magkasintahan. “Well sa lahat ng mga nangyari, I think may recovery stage pa. From what Kiana went through, what Gab went through, what I went through. I think it’s amazing how we were still here and we’re all okay,” nakangiting pahayag ni Gary.

Nagpapasalamat si Mr. Pure Energy dahil sa kabila ng lahat ng mga pangyayari ay nananatiling buo pa rin ang kanyang pamilya. “May mga bagay that I think every family faces that our family is not exempted. So it’s just a matter of coming together talking. This Christmas we’re all together. Itataas namin ang Christmas tree together soon. So I cannot ask for anything more. I’m really satisfied and I’m happy. For me as a father na kumpleto kami, may apo pa ako, si Leia (anak ng panganay na anak, Paolo Valenciano), we’re really complete this Christmas,” paglalahad ni Gary.

JM mas inunang kumayod kesa mag-Bali

Naging inspirasyon ni JM de Guzman si Rhian Ramos pagkatapos makatrabaho sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala. Bukod sa pagi­ging mga bida ay kabilang din sina JM at Rhian sa mga producer ng nasabing proyekto. “She’s a very strong, indepen­dent woman. Nakaka-inspire the way she works. Kung paano niya nili-live ‘yung buhay niya, and siyempre nakatulong din sa amin. Siguro subliminal na lang ‘yung, ‘Uy! Parehas tayong nadapa pero bumabangon,” makahulugang pahayag ni JM.

Samantala, kamakailan ay nagtapos na ang teleseryeng Araw Gabi na pinagbidahan ng aktor at ang napababalitang espesyal sa kanyang puso na si Barbie Imperial.

Nangangarap daw ngayon si JM na muli silang magkatambal pero sa isang pelikula naman. “Sana nga po, may mga naririnig ako na fans na gusto nga mag-produce if ever, sana nga. We’re really good friends ngayon. Lagi kaming nagkakamustahan lalo na no’ng nasa Bali (Indonesia) siya. Wala lang, pinapakita lang nila ‘yung mga ginagawa nila do’n like nagsu-swimming sila sa sobrang lalim na bangin, nakakatuwa lang. Gusto ko nga sana sumunod sa kanila eh kaso undas no’n, nagtatrabaho ako eh. Buong linggo kailangang kumayod,” natatawang kwento ni JM.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with