^

PSN Showbiz

Holdap nina Pepe, Paolo, Jerald, inayawan ng mga sinehan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Holdap nina Pepe, Paolo, Jerald,  inayawan ng mga sinehan!

Makakatapat sana ng Three Words to Forever ang isang indie film na pinamagatang Ang Pangarap Kong Holdap, pero mukhang hindi matutuloy ang showing dahil sa nagkakaproblema sila sa mga sinehan.

Ang latest na nakuha naming kuwento, limang sinehan lang ang naibigay sa naturang pelikula dahil tinatanggihan daw ng mga theater owner dahil sa titulo nito na nagbibigay daw ng hindi magandang connotation.

Kaya pwede naman nilang palitan ang title, pero wala pa ka­ming nakuhang sagot mula sa producer kung papalitan ba nila o hindi.

Bida sa pelikulang ito sina Pepe Herrera, Jerald Napoles, Jelson Bay at Paolo Contis.

Binigyan naman ito ng R 16 na rating ng MTRCB kaya edad 16 pataas lamang ang makapanood nito.

Binigyan pa ng Cinema Evaluation Board ng Grade B ang pelikula.

Nagpahayag si Paolo nang pagkadismaya sa di pagkakuha ng mga sinehan. Sabi nga niya sa kanyang Instagram account nung nakaraang Biyernes; “Isang malungkot na araw! Ang Pangarap Kong Holdap cannot get cinema slots.

“According to them, the movie is sending a bad connotation to the public because of its title (when our only intention is to entertain our audience and give a good laugh for less than 2 hours). This is our own way of making it light for the Filipino people.

“We think what you’re doing is the REAL HOLDAP.”

Kahit si LJ Reyes ay nagpahayag din ng pagkadismaya sa pagtanggi ng mga theater owners.

Nakakalungkot lang daw na tila nalilimitahan ang creativity ng ating mga filmmakers na ang tanging hangad lang daw nila ay mapasaya at ma-relax ang mga manonood sa ganitong klaseng comedy film.

As of presstime, hindi pa nila na-finalize ang kanilang pasya kung itutuloy pa ba ang showing bukas o hindi.

Veteran actress, tsinugi  nang mag-inarte sa leading men

Naloka ang production staff ng isang weekly program sa kilalang veteran actress na magbibida dapat sa isa nilang episode.

Tinanggap na niya ang guesting na iyun pagkatapos basahin ang script pero ang problema, namili sa tatlong leading men na makakasama niya.

Sa kuwento kasi, na-involve siya sa tatlong lalaki na gagampanan ng isang magaling na beteranong aktor na nagbibigay minsan ng acting workshop, isang singer/actor at isang athlete/actor.

Hindi pala sila type ni veteran actress.

Komento niya kay athlete/actor; “Ang tanda na niyan para maka-partner ko!”

Kay singer/actor naman; “Ang pandak niya para sa akin!”

Kay magaling na veteran actor; “Hindi kami magkaliga!”

Binanggit niya ang isang magaling na actor/director na bagay naman sa role, pero hindi siya puwede sa binibigay na schedule ng taping.

Kaya ang ending, itong si veteran actress na lang ang pinalitan kesa sa mamroblema sila sa paghahanap ng tatlong aktor.

Nakapag-commit na kasi sila sa tatlong aktor na kinuha, kaya minabuti nilang si aktres na lang ang palitan.

Pero sobrang nangarag daw sila sa paghahanap sa aktres na papalit dahil gahol na sila sa oras.

Naloka lang daw sila sa kaartehan nitong beteranang aktres na kailangang ipaaprub pa sa kanya ang mga artistang makakasama.

Gabbi at Jasmine, BFF na!

Natutuwang kinukuwento sa amin ni Gabbi Garcia na iba na raw talaga ang closeness nilang lahat sa Pamilya Roces.

“Kaya mahal ko tong show na to kasi walang intrigahan, walang katoxikan, walang stress,” pakli ni Gabbi.

Si Jasmine Curtis-Smith ang isa sa pinaka-close niya na minsan ay lumalabas daw sila, kasama pa ang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

Natawa na lang si Gabbi nang sinundan ko ng tanong kung kasama rin ba si Khalil Ramos at nagdu-double date sila?

“Basta. Okay lang,” natatawa niyang sagot sa amin.

vuukle comment

ANG PANGARAP KONG HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with