^

PSN Showbiz

Rocco seryosong maging doctor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rocco seryosong maging doctor

Magkakaroon na naman pala ng Starstruck sa susunod na taon at ang dinig ko pinaghahandaan na ito ngayon sa GMA-7.

 

Nakakatuwa dahil marami namang produkto ang naturang ta­lent-reality search na naging successful ang career.

Pero may ilan ding namamayagpag ang showbiz career, pero gusto ring magkaroon ng ibang propesyon.

Isa na nga rito si Rocco Nacino na gumrad­weyt sa Starstruck 5 nung 2010. Okay na okay ang career niya, pero isa pala sa gusto niyang matupad ay maka-graduate ng medicine.

Graduate na siya sa Nursing, pero gusto rin niyang maging doktor na magpakadalubhasa sa sports medicine, o kaya aesthetics o pedia.

Nakapag-masters na raw siya, kaya mga four years pa raw ang bubunuin niya para maging doktor.

Pero sa ngayon ay masaya pa raw siya sa kanyang acting career, at marami pa raw siyang gustong i-prove sa larangan ng pag-arte.

“Marami pa po akong gustong i-prove when it comes to acting. So, acting would be my priority, next ang medicine,” pakli ni Rocco nang nakatsikahan namin nung kamakalawa ng gabi sa set ng Pamilya Roces.

Doon sa set din ng Pamilya Roces namin nakausap si Katrina Halili na alumna naman ng Starstruck 1 nung taong 2004.

Kahit kuntento naman si Katrina sa kanyang showbiz career, wish pa rin ng Kapuso actress na magkaroon ng sariling negosyo sa Palawan.

May nabili na raw siyang bahay sa Palawan, at nakapag-ipon na raw siya. Kaya hangad din daw niya ang tahimik na buhay sa Palawan kasama ang anak.

May hanash lang si Katrina sa kanyang ginagawa ngayon bilang aktres dahil sobrang sama raw ang kontrabida role na madalas niyang ginagampanan.

Kapapasok lang niya sa Pamilya Roces at sobrang bad na naman daw siya rito.

Hindi naman daw siya nag­rereklamo, pero napapansin lang daw niya sobrang sama raw ng karakter na ginagampanan niya hanggang sa ending.

Kaya hindi na raw niya pinapanood ang anak niya. Lahat daw na mga soap na ginagawa niya ay iniiwas daw niyang panoorin ito ng anak niya dahil baka maiba pa raw ang pagkakilala sa kanya na ganun pala siya sa kasama sa TV.

Suportado naman si Rocco ng girlfriend niyang si Melissa Go­hing dahil Ilonggo kasi ang role niya bilang si Hugo sa Pamilya Roces.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with