^

PSN Showbiz

Boy Abunda marunong magtipid

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda marunong magtipid

MANILA, Philippines — Ang galing-galing na public speaker ni Tito Boy Abunda.

 

Marami kang matutuhan sa kanyang pinag­daanan bago siya naging si Boy Abunda.

Kahapon sa Beautecon 2018 of Beautederm, si Tito Boy ang speaker.

Imagine nagbenta siya ng encyclopedia, fire extinguisher, shampoo, nag-work sa Chinese restaurant, nag-try na actor sa Metropolitan theater bago talagang nakilala bilang magaling na talent manager, TV host and speaker.

Kaya naman talagang alam niya kung paano mag-share ng mga alam niya sa mga nag-attend ng Beautecon 2018.

Paulit-ulit din niyang sinasabi na “Be grateful. Be Kind. Do it now, not tomorrow..”

Dagdag niya pa, “walang gamit ang alam mo kung hindi mo ituturo sa iba,” sabi pa ni Tito Boy na kilala sa sobrang kabaitan.

Sinabi niya ring “mayaman ako kasi kuntento ako. Maya­man ako dahil marunong akong mag-ipon

Marunong akong magtipid.” At kung nagsusuot man daw siya ng mga branded, pinagtrabahuhan niya ‘yun at kaartehan lang.

At ang importante sa buhay, “alam ko ‘yung pinanggalingan ko.”

Life goal si Tito Boy. Hindi maramot. Masaya sa buhay at mabait sa lahat ng tao. Accommodating sa lahat ng mga gustong matuto at mahal na mahal ang Nanay Lising.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with