^

PSN Showbiz

Kalaban ni Pacman parang papansin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kalaban ni Pacman parang papansin
Manny

Confirmed na may boxing fight uli si Senator Manny Pacquiao sa January 19, 2019. At in fairness excited na naman akong mapanood.

Makakalaban ni Papa Manny ang American boxer na si Adrien Broner at magaganap ito sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

Hindi masyadong kilala ng mga Pinoy si Broner pero dahil kay Papa Manny, mag-expect tayo na iingay ang name niya.

Aminin natin, marami ang unknown boxers na nagkaroon ng recall ang name nang makatunggali nila si Papa Manny sa boxing arena at kahit natalo sila, limpak-limpak na dolyares ang kanilang take home money.

Ang WBA world welterweight title na hawak ni Papa Manny ang susubukan ni Bro­ner na agawin.

Karakter si Broner dahil naimbyerna ito nang magsalita si Papa Manny tungkol sa hindi matutuloy na rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Kiyeme-kiyemeng nainsulto ang nagtaray na American boxer nang mag-emote ito ng “He ain’t fighting Floyd, he’s fighting me. I’m gonna beat your ass, you worry about Floyd, he’s already beat you brother.

“F..k the money, I know when I win this fight, there is more money to come. Excuse my language but this ain’t Nickelodeon, this is pay-per-view,” ang nagpapakontrobersyal na pralala ni Broner na dapat magpasalamat dahil pumayag si Papa Manny para makalaban sa unang buwan ng 2019.

Nagkaroon na sila ng press conference sa MGM Las Vegas.

Kamiseta palaki nang palaki

Congrats sa BFF kong sina Gunn & Cris Roque. Kahapon ay ini-launch na ang fashion collaboration ni Heart Evangelista at ng Kamiseta na favorite kung puntahan dahil sa GCs na binibigay nila. Hahaha.

As usual maaga na naman ako sa venue ng presscon, ang Vanilla Cupcake Bakery & Café.  Parang 10:00 pa lang, andun na ako. Eh ang call time 11:00 a.m. at nag-start ang presscon ng 12:00.

Pero siyempre mas maaga sa akin sina Gunn at Cris dahil personal talaga nilang inasikaso ang nasabing presscon.

At ang bongga ng giveaways ha, mas maganda pa sa giveaways sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart. Nasa isang magandang box na printed ang painting ng Kapuso actress at may lamang notebook, gift cards at kung anu-ano pa na nakalagay din ang mga painting ni Heart.

Magaling mag-handle ng business sina Gunn at Cris kaya palaki nang palaki ang mga negosyo nila. Imagine mula sa Kamiseta apparel, ang lakas-lakas din ng Kamiseta Hotel at Kamiseta Skin.

Siyanga pala, exci­ted na uli akong maka-bonding si Mama Cris sa December. Di ba Mama Salve, naka-plano na ang staycation natin sa Japan at siyempre kasama ang mga favorite ko na si Julie Yap, Pat P. Daza at Leo Espinosa.

Ang sarap nilang kasama. Hindi masyadong lumalabas ng hotel at tsikahan lang kami ng tsikahan.

Nang mag-staycation kami sa Bangkok, sobra akong nag-enjoy kahit three days lang dahil kain, tsikahan at punta lang supermarket ang ginawa namin.

Recipe nina Christian at Cora ilalantad na

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Recipe for Love, ang romantic drama movie ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Waddell.

Si Joey Reyes ang direktor ng Recipe for Love na launching movie sana ni Christian Bables pero nauna na ipinalabas sa mga sinehan ang Signal Rock na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino noong August 2018.

Hindi nag-second thought si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle na bigyan ng launching movie si Christian dahil sa performance nito sa Die Beautiful na official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2016.

Ang Regal Entertainment Inc. ang nag-release sa mga sinehan ng Die Beautiful na biggest movie break ni Christian dahil nag-win ito ng mga Best Supporting Actor award.

Wish ko na tangkilikin ng moviegoers ang Recipe for Love na sure ako na isang magandang pelikula kaya sinugalan ng Regal Entertainment Inc.

Nadine at Sam malabong ma-link

Indak ang pamagat ng dance drama movie na gagawin nina Nadine Lustre at Sam Concepcion na mag-BFF sa tunay na buhay.

Parehong mahusay sumayaw ang dalawa kaya mapapanood sa Indak ang talent nila sa dancing.

Ang concert director na si Paul Basinillo ang direktor ng Indak at tulad nina Nadine at Sam, excited na siya na simulan ang pelikula na ipo-produce ng Viva Films.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with