^

PSN Showbiz

Bela baliw na baliw kay Lee Jong-suk

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela baliw na baliw  kay Lee Jong-suk
Lee Jong-suk at Bela

Hmmm dapat na sigurong ma-alarm ang mga local actor natin sa lakas ng dating ng mga Korean actor sa Pinoy fans.

Umapaw ang Araneta Coliseum the other night sa fan meeting ng Korean actor na si Lee Jong-suk. Fan meeting lang yun ha, hindi concert. Sa first part ay may question and answer   at ilang kuwento-kuwento na sinagot niya in Koreans and then i-interpret.

Kumanta rin siya ng two songs na medyo natatawa pa dahil parang nasasamid pa.

Mukhang mabait si Lee at todo kaway sa stage. Sinabi rin nitong ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng Pinoy fans na gumastos para makita siya in person.

Kaya naman nagpapasalamat talaga siya sa dumagsa sa last stop niya for Crank Up fan meeting. “And it’s true that I’ve been in a lot of fan meetings around the world. I know you guys are worried because of the bad incident that have happened.  I was actually also scared myself. But anyway I’m still very grateful to have been able to see you guys, and I think it was really a good decision to come here. I won’t forget your warm love and support for me,” sabi niya in Korean na translated in English ng interpreter.

Maalalang na-detain siya sa Indonesia matapos ang Crank Up doon kaya naman masaya siyang itinuloy ang biyahe sa Manila.

Anyway, naki-fan meeting pala si Bela Padilla sa   K drama actor na bumida sa I Can Hear Your Voice, W, Pinocchio, Doctor Stranger, While You Were Sleeping among others.

Flooding sa IG story ang pagiging fangirling niya last Sunday night sa Araneta. At nasa front raw siya though ‘di namin siya nakita.

Oh by the way, kung paano kinilig at tinilaan si Lee, inis naman ang na-feel ng fans kay Giselle Sanchez na host ng fan meeting with a Korean girl na interpreter ni Lee.

Sabrang OA and annoying ang ginawa ng komedyana at feeling niya yata ay siya ang mag-fan meeting.

Clearly, invaded na nga tayo ng Koreans pero sana naman ay ipabalik sa bansa nila ang basurang itinambak nila sa atin at ‘wag maging priority ng ibang eskuwelahan ang pagtuturo ng Korean language.

vuukle comment

LEE JONG-SUK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with