^

PSN Showbiz

Toni at Alex bibinyagan sa MMFF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Toni at Alex bibinyagan sa MMFF
Alex at Toni

Hindi inakala ni Toni Gonzaga na makakalahok ang pelikulang Mary, Marry Me na pinagbibidahan nila ng kapatid na si Alex Gonzaga sa Metro Manila Film Festival.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasali ang pelikula ni Toni sa MMFF. “Sobrang saya, hindi namin ini-expect ‘yon kasi naka-slate na kami for January (2019), sabi namin, kung hindi papasok (sa MMFF). But thankful na napili ng committee na magiging part kami. I’m very excited kasi this is my first time. Actually with my whole career na mag-MMFF. So exciting kasi mae-experience ko na kung ano ang feeling na may pelikula sa Pasko,” nakangiting pahayag ni Toni.

Masaya naman si Alex dahil natupad na rin sa wakas ang pangarap niyang makasama sa isang pelikula ang kanyang ate. “Ako thankful ako na nakasama ko na ang ate ko sa isang pelikula. ‘Yun lang naman ang gusto ko, gusto ko lang ma-experience kung paano mag-shooting with her. And now I know, this will be the last,” natatawang pahayag ni Alex.

Bukod sa nasabing pelikula ay abala rin ang magkapatid ngayon sa Pinoy Big Brother Otso kaya hindi makapagbabakasyon ang kanilang pamilya ngayong kapaskuhan. “Dapat magbabakasyon sana kami kasama ‘yung family,” giit ni Toni. “At least kahit na nag-stay kami dito (sa Pilipinas), hindi kami nakapag-travel, may PBB naman at the same time may MMFF,” dagdag naman ni Alex.

Billy walang oras balikan  ang Showtime

Muling pumirma ng exclusive contract si Billy Crawford sa Kapamilya network. Bukod sa ASAP Natin ‘To ay mapapanood din ang aktor bilang host ng Pilipinas Got Talent, World of Dance at Idol Philippines.

Masayang-masaya si Billy dahil makakatrabaho si Regine Velasquez bilang isa sa mga hurado ng Idol Philippines. “Nakakatawa rin na nagkasabay din kami sa kabila. So it’s just so nice na magkakasama na ulit kami as one big family. It’s nakakaaliw lang talaga and I’m excited to perform. I’m excited to spend time with Ate Reg, Kuya Ogs (Ogie Alcasid) and everyone, I’m excited. You have to see the panel of judges that we have. It’s gonna be insane,” bungad ni Billy.

Aminado ang aktor na hinahanap-hanap na rin niya ang It’s Showtime dahil hindi pa siya makabalik sa ngayon dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa. “Nami-miss ko rin naman talaga ang Showtime. ‘Di po muna ako babalik, not as of the moment. I’ll definitely concentrate po muna sa iba. Tapos ‘yung album ko rin I just finished after nine years. So by next year come out na ‘yung single,” pagbabahagi ni Billy.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with