^

PSN Showbiz

Rhian mas maganda ‘pag walang make up, JM parang totoong may face blindness

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rhian mas maganda �pag walang make up, JM parang  totoong may face blindness
JM at Rhian

Ang ganda ni Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Ka Nawala. No make up look ang actress sa kabuuan ng pelikulang napapanood na ngayon sa almost 100 theaters.

Si Shana ay si Rhian sa Kung Paano Ka Nawala na na-in love kay Lio (JM de Guzman) na hindi maka-konek sa maraming tao dahil sa kanyang kakaibang sakit na face blindness, isang cognitive disorder characterized by an inability to recognize face. 

Ang husay naman ni JM sa role niya at very natural ang acting, as if may ganun nga siyang kakaibang illness.

Malalaman sa kuwento if the heart remember what the mind forgets.

At ‘yun ang sasagutin ng pelikula, puwede kayang maalala ng puso ang hindi nakikilala ng mata?

Bukod sa pagiging bida nina Rhian and JM, co-producer din sila ng TBA Studios sa Kung Paano Ka Nawala na dinirek and co-written by Joel Ruiz na naunang nakilala sa advertising world  at ito ang feature-lenght commercial debut ng bagets na filmmaker.

Comeback movie naman ito ni JM na almost three years ding namahinga sa pag-arte na common knowledge naman kung bakit. He was last seen sa big screen sa 2016 drama na Tandem and 2014 romantic comedy That Thing Called  Tadhana with Angelica Panganiban. 

Si Rhian ay huling napanood sa pelikulang Trigonal kung saan siya nag-action sa nasabing movie.

Bukod sa magandang kuwento, all praises din ang mga nakapanood  na sa music na ginamit. The movie’s main soundtrack features the song Anino, an unreleased and newly re-arranged version ng popular indie band na Up Dharma Down (UDD).

Yup like I’m Drunk, I Love You, mae-enjoy ng mga manonood ng pelikula ang  feature songs ng mga kilalang indie and local music artists.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Kung Paano Ka Nawala.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with