^

PSN Showbiz

Direktor ng Ang Probinsyano nakuha ng Cain at Abel!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Direktor ng Ang Probinsyano  nakuha ng Cain at Abel!
Dingdong, Toto at Dennis

Sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang mga bida sa Cain at Abel pero agaw-eksena sa presscon nito noong Tuesday night ang direktor na si Toto Natividad.

May mga reporter na namalik-mata nang makita nila si Toto dahil hindi sila makapaniwala na present sa presscon ng Kapuso Network ang isa sa mga direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Siyempre, naintriga agad ang mga reporter dahil ang Cain at Abel ang makakalaban ng Ang Probinsyano simula sa Lunes, November 19. Ano ang nangyari at biglang naging guest director si Toto ng action drama television series nina Dingdong at Dennis?

May instant sagot si Toto tungkol sa pag-oober da bakod niya sa GMA-7.

Nagpaalam daw siya nang maayos sa mga bossing ng ABS-CBN at hinihintay na lamang niya ang kanyang release paper. Tiniyak ni Totoo na walang problema ang pag-alis niya sa ABS-CBN sa kanyang network transfer.

Ipinaliwanag naman ng isang GMA-7 executive na hindi pa nagsisimula ng taping si Toto para sa Cain at Abel dahil waiting pa nga sila sa official release paper mula sa Kapamilya Network.

Concept pa lang daw ng Cain at Abel ang task ni Toto para sa bagong primetime show ng Kapuso Network kaya hindi pa masagot ng direktor ang tanong na kumusta ang first time niya na pakikipagtrabaho kina Dingdong at Dennis.

Hot topic ang paglipat ni Toto sa GMA-7 dahil kilala nga siya na direktor ng show ni Coco Martin sa ABS-CBN. Ang duda ng fans, bongga ang offer ng GMA-7 kay Toto kaya nag-babu na ito sa Ang Probinsyano.

 Dingdong magkakaroon  na ng Junior?!

Smile lang ang sagot ni Dingdong Dantes sa mga nangungulit kung totoo na baby boy ang ipinagbubuntis ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Lalong naintriga ang mga reporter na nakausap ni Dingdong sa presscon ng Cain at Abel dahil sa kanyang Mona Lisa smile.

Ang feeling ng mga reporter, malamang na baby boy nga ang second child nina Marian at Dingdong.

Excited na ang fans na malaman ang tunay na gender ng baby dahil kung lalake nga ito, sure na talagang magiging masaya si Dingdong dahil magkakaroon na siya ng Junior.

Mga tatay ngayon  mas hands on na  sa mga anak

One thing na nagustuhan ko talaga sa panahon na ito ay iyon mga nakita ko na pagbabago sa parenting Mama Salve.

Common na makita mo na mga nanay ang nag-aalaga ng anak, nagpapadede, nagpapakain, nakikipaglaro. Nung araw, bihira ang mga lalaki na makikita mo na nagkakarga ng anak nila o may dala ng milking bottle. Pero now, ang cute tingnan nila Dingdong Dantes, Dr. Hayden Kho at Bossing Vic Sotto na karga-karga, hele hele at pinapadudo sila Zia, Scarlet at Talitha.

Heart warming at very sweet talagang tingnan. Ang cute nila habang nasa dibdib nila iyong babies na para bang safe na safe sa arms ng mga daddy nila.

Talagang iba na panahon, mas macho tingnan ang mga lalaki na may anak at alagang-alaga nila. At ipinapakitang mga princess nila talaga.

Salute to men na tulad nila Dingdong, Hayden at Bossing Vic. Their babies are trophy to them, precious gems.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with