^

PSN Showbiz

Coleen ‘di ramdam na mas matanda si Billy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen �di ramdam na mas matanda si Billy!
Billy at Coleen

Hindi naging isyu kailan man para kina Coleen Garcia at Billy Crawford ang pagkakaroon ng sampung taong agwat sa kanilang edad. Bilang mag-asawa ay maayos at magkasundo naman daw sila sa lahat ng bagay kahit na isang dekada ang tanda ng aktor kay Coleen.

“Kasi parang mas gusto ko ngang mas matanda siya sa akin ng 10 years,” bungad ni Coleen. Hindi raw inakala ng aktres na sila ni Billy ang magkakatulu­yan noon. “Parang iniisip ko nga, based sa mga kuwento niya, kung kaedad ko siya, I don’t think makakatuluyan ko siya. Iba siya eh, no’ng ka-age ko siya like 10 years ago, ibang-iba siya. So na-in love ako kung sino siya ngayon. Iba kasi siya, kung sino siya noon,” nakangiting pahayag ni Coleen.

Nakaranas ang aktres ng online bashing mula sa netizens noong unang makumpirmang magka­sintahan na sila ni Billy ilang taon na ang nakalilipas. Tinanggap na lamang umano ng aktres ang mga masasakit na salitang ibinato sa kanya noon mula bashers. “Na-realize ko kasi na parang, ‘Ano ‘yung pinakamatindi bang sa akin?’ ‘Malandi,’ and I realize na ‘yung word na ‘yon, ang daling bitawan. Parang kung may mai-insulto, ‘yon ay dahil may sinasabi silang totoo, na ang pamilya ko lang nakakaalam. Si Billy lang ang nakakaalam, ‘yung talagang below the belt na masakit talaga, doon ako nasasaktan,” pag­dedetalye ni Coleen.

Maymay at Edward nami-miss ang simpleng buhay

Noong Sabado ay nagbukas nang muli ang Pinoy Big Brother house para sa pinakabago nitong edisyon na Otso. Walong teen housemates ang pinakatututukan ngayon bilang unang batch na pumasok sa pinakasikat na bahay sa bansa.

Masayang inalala ng magkatambal na sina Maymay Entrata at Edward Barber kung paano ang kanilang buhay bago pa naging housemates noong 2016.

“May nami-miss ako, ‘yung feeling na mas masarap kasi ‘yung sobrang napagod ka. Like feel na feel mo ‘yung pawis. Tapos ‘yung feeling na sobrang pinagpaguran mo ‘yung ginagawa mo. Tapos ‘pag na-achieve mo na, sobrang sarap ng feeling. Pareho din naman dito sa showbiz, pero iba rin do’n (sa probinsya) kasi kailangan mo ng pera, kailangan mo ng pagkain, kailangan mo ng upa. Mas simple ‘yung buhay noon. ‘Yung feeling na dati, kapag dumating na maliit na maganda sa buhay mo, mas naa-appreciate mo,” pagbabahagi ni Maymay.

Para naman kay Edward ay ang pagiging estudyante niya noon ang kanyang hinahanap-hanap. “Mas simple ‘yung buhay noon. Mabilis kasi ‘yung takbo ng buhay namin ngayon. Kaya minsan you forget to really appreciate the small things. Parang, ‘Ay! Okay maganda ‘yon.’ Tapos, next na. Tapos nami-miss ko talaga ‘yung schedule, as in ‘yung set na schedule na from 8 a.m. to 3 p.m. school, tapos by 4:30 p.m. nando’n na ako sa bahay. Dito sa showbiz hindi mo alam kung ano ang gagawin mo next week. Pero you change some blessings for different things. Just learn to take it as it goes,” pagbabahagi naman ni Edward.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with