^

PSN Showbiz

Aktor pinagbintangang may relasyon ang misis SA anak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang istorya lang sa pelikula ang kuwentong lumulutang ngayon pero maraming nagpapatunay na naganap ‘yun sa tunay na buhay. Tatlong kilalang personalidad ang sangkot sa kuwento.

?Sa isang bubong lang sila nakatira. Maayos ang kanilang samahan nu’ng una, hanggang sa komprontahin ng male personality ang kanyang anak, pinagdududahan niya na may relasyon ito at ang kanyang misis.

?“Nakakaloka ‘yun, ha? Anak niya, pinagdudahan niyang karelasyon ng wife niya? Anak niya kasi sa ibang babae ang bagets, pinatira nila ang guy sa bahay nilang mag-asawa.

?“Natural, pinakisamahan naman ng wife niya ang bagets, itinuring na ring parang anak, pero iba pala ang naging interpretation ng male personality sa kabaitang ipinakikita ng wife niya sa anak niya.

?“Naku, nakakaloka! Pinagbintangan niyang may relasyon ang bagets niyang anak at ang misis niya, sa totoo lang! Ewan naman kung ano ang pumasok sa utak niya at ginawa niya ang ganu’n!” simulang kuwento ng aming impormante.

?Dahil sa naganap ay lumipat ang bagets sa bahay ng kanyang tiyahin. Nakarating sa kaalaman ng kanyang ina ang dahilan kung bakit. Giniyera sa telepono ng ina ng bagets ang ex nitong male personality.

?“Nakatikim siya nang masasakit na salita mula sa ex niya. Grabe naman kasi ang bintang niya sa wife niya at sa anak niya!

?“Ang sabi sa kanya ng ex niyang female personality, ‘Thinkers are doers, kaya ka ganyan! Natatakot ka sa sariling multo mo!’ Wala siyang naisagot, totoo naman kasing kung anu-anong pangangaliwa ang ginagawa niya, di ba?

?“Mula nu’n, hindi na tumapak pa ang bagets sa bahay ng father niya. Iniwasan na rin niyang kausapin ang madrasta niya, baka kasi upakan na lang siyang bigla ng tatay niya na nagdududang may relasyon sila.

?“Masalimuot ang kuwento, parang mga eksena lang ‘yun sa pelikula at mga seryeng napapanood natin, pero nangyari ‘yun sa tatlong personalities na bumibida sa istorya.

?“Nakakaloka, kaya siguro punumpuno ng angst ang bagets na hindi lang niya masabi-sabi, kaya ayan, sarili niya na lang ang sinasaktan ng bagets actor!” huling paghayag ng aming source.

?Ubos!

Pamilya ni Bong dibdiban ang pagdarasal

Ilang tulog na lang ay babasahan na ng sentensiya ng Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla. Abut-abot ang pagdarasal ngayon ng kanyang pamilya at mga tagasuporta na harinawang mapawalang-sala ang aktor-pulitiko sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

?Siya na lang ang naiiwan sa PNP Custodial Center, pansamantala nang pinalaya si dating Senador Jinggoy Estrada, pinairal naman ng batas ang puso sa kaso ni Senador Juan Ponce Enrile na napakatanda na.

?Sa December 7 ang itinakdang araw para basahan ng sentensiya si dating Senador Bong, binibilang-bilang na ng kanyang pamilya ang pag-usad ng mga araw, ang kanyang mga tagasuporta ay nag-aalay rin ng vigil para sa positibong resulta.

?Plunder ang kasong halos apat na taon nang dinidinig ngayon, nagbaligtaran na ang mga witness, inilabas na ng mga ito si dating Senador Bong sa pagbibigay ng pahayag na ni minsan ay hindi nila nakitang pumirma-nagbigay ng mga dokumento ang aktor-pulitiko na pinagbabasihan ng asunto.

?Sa kabila ng kanyang pagkapiit pa hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang laban ng dating senador, ang kanyang misis na si Mayor Lani Mercado at ang kanilang mga anak ang nag-file ng kanyang COC, kaya tuloy pa rin ang laban ng action star sa Senado.

?Habang papalapit na ang December 7 ay para namang bumabagal ang pag-usad ng panahon. Tama ang emosyon ng misis ni dating Senador Bong, kung kailan malapit na, kung kailan ilang araw na lang ang nalalabi ay saka naman parang napakabagal ng tiktak ng orasan.

?Umaasa ang kanyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta na makakalaya na si dating Senador Bong Revilla sa December 7. Magiging markado ang araw na ‘yun, nakaabang na ang lahat ngayon sa sentensiyang igagawad sa kanya ng Sandiganbayan, ang dasal ng lahat ng mga nagmamahal sa kanya ay kalayaan.

?Kalayaan para kay dating Senador Bong Revilla!

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with