Lolit Solis inaawitang maging spokesperson ni Pres. Digong
May ‘clamor’ na gawing spokesperson ni President Digong Duterte si Nay Lolit Solis.
Feeling daw nila mas magiging effective si Nay Lolit na tagapagsalita ng president dahil straight to the point ang magiging usapan. Hahaha.
“Naku hindi ko pinangarap na magmurahan kami ng Papa Digong ko,” sagot agad ni Nay Lolit na kasama namin ngayon dito sa Hongkong.
Scouting daw kasi for a new spokesperson ang presidente dahil may ilang hindi happy kay Atty. Panelo.
Hahaha. Ayon kay Nay Lolit, maligaya na siya sa kanyang pagiging bagong reyna ng Instagram.
Imagine lahat ng mga pino-post niya, pini-pick up ng mga entertainment website.
Iba rin kasi magbigay ng opinion si Nay Lolit totoo at walang halong eklay at higit sa lahat showbiz authority.
- Latest