^

PSN Showbiz

Aktor may nararamdaman pa rin kapag nakakasalubong ang ex na may asawa na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon, kahit pa meron na siyang sariling pamilya at meron nang mga anak ay hindi pa rin nakakalimutan ng isang sikat na male personality ang kanyang unang pag-ibig, para siyang pinagpapawisan kapag aksidente niyang nakikita ang isang pamoso at magandang aktres.

Alam ng mga kaibigan ng male personality kung gaano niya minahal ang female personality, talagang pinagsakripisyuhan niya ito, inalagaan at minahal nang mahabang panahon.

Kuwento ng aming source, “Kundi lang kumontra ang father ng girl kay ____(pangalan ng sikat na male personality), e, siguradong sila ang nagkatuluyan.

“Very compatible kasi sila, they have so many things in common, hindi mo sila makikitang nagtatalo dahil parehong-pareho ang field of interest nila.

“Pinlano na nga niyang itanan ang girl, kaso, nabuking sila ng father ng female personality, mula nu’n, e, bantay-sarado na ang dakilang pag-ibig ng sikat na male personality,” simulang kuwento ng aming source.

May pamilya na rin ang babae, napangasawa nito ang isang kilalang pigura sa mundo ng sports, ang male personality naman ay nakapangasawa ng isang babaeng may nakahinang na korona sa ulo.

Patuloy ng aming source, “Pero kung first love ang pag-uusapan, e, walang kaduda-duda na ang unang pag-ibig ng male personality, e, ang girl na napakasimple pero napakaganda.

“Sobrang simple lang ng girl na ‘yun na galing sa super-yayamaning family, wala siyang hilig sa make-up, hindi na niya kailangan ‘yun dahil magandang-maganda na siya sa simple lang niyang porma.

“Kapag may competition nu’n ang girl sa kinahiligan niyang hobby, e, sumusunod talaga ang guy kahit saan pa ‘yun gagawin. Sa ibang bansa ba kanyo? Dumarating du’n ang male personality, talagang super-supportive siya sa girl!

“Ang dami-daming nanghihinayang sa relasyon nila, ang girl na kasi ang pangarap ng male personality na dalhin sa altar, meron nga lang mga kumokontra sa kampo ng girl dahil sobrang babaero daw ang lalaki.

“Ang aga-agang naunsiyami ang plano ng male personality para sa greatest love niya, pero hanggang ngayon pala, e, ang girl pa rin ang number one sa puso ng sikat na male personality,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Coco hinding-hindi na  maghihirap kahit kailan

Magdesisyon man si Coco Martin na huminto na sa pag-aartista ay hindi siya magreretirong nakanganga. Napaghandaan na ni Ricardo Dalisay ng Ang Probinsyano ang kanyang kinabukasan.

Wala na ring poproblemahin ang bubuuin niyang pamilya, mamumuhay sila nang maayos, dahil pati ang future ng kanyang mga magiging anak ay naihanda na ni Coco.

Kuwento ng aming kausap na malapit sa magaling na aktor, “Mahilig siyang bumili ng mga loteng malalaki ang sukat. Mas malaki, mas gusto niya, dahil mahilig siya sa farming.

“Napakasuwerte ng magiging wife ni Coco, ngayon pa lang, e, handang-handa na ang kanilang kinabukasan, hindi nagsasayang ng pera si Coco.

“Ang dami-dami na niyang nabiling properties, malalaking lupain ‘yun na kapag ayaw na niyang mag-artista, e, mapapakinabangan niya talaga,” unang kuwento ng aming source.

Sa isang umpukan ay naging subject si Coco Martin. May pagkakuripot daw ang aktor, hindi basta-basta naglalabas ng pera, marunong daw humawak ng pananalapi ang idolong si Cardo ng mga tumututok sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero kinontra ng aming kausap ang ganu’ng imahe ng aktor, ang kanyang sabi, “Hindi totoo ‘yun, napakabukas nga ng palad niya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi siya maramot.

“Sa pagbibigay pa lang niya ng trabaho sa mga artistang wala nang pinagkakakitaan, e, kitang-kita na ang pagiging generous niya. Hindi lahat ng mga sikat na artista, e, may ganyan kagandang puso.

“Kuripot siguro siya sa mga walang katuturang pagkakagastusan, pero kung kailangan niyang humugot para makatulong, lalo na’t alam niya namang sincere ang lumalapit sa kanya, e, hindi siya nagdadamot,” paliwanag ng aming kausap.

Napakaraming personalidad na humawak nang milyones nu’ng kaitaasan ng kanilang popularidad, pero pagkatapos lang nang ilang taon ay wasak na ang bulsa, mukha nang kaawa-awa.

“Hinding-hindi mangyayari kay Coco Martin ‘yun!” madiing pahabol pa ng aming source.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with