Maynila naka-20 years na
MANILA, Philippines — Grabe naka-20 years na rin pala ang award-winning and longest-running daytime drama Maynila ni BUHAY Partylist Congressman Lito Atienza, produced by his daughter Lei Atienza-Valdepenas on GMA 7.
Kaya naman sa darating na Sabado, magsisimulang umere ang kanilang 3-part special anniversary episode starring Ruru Madrid and Ken Chan na kuwento tungkol sa magkapatid na sinubok ang relasyon.
First time ng Maynila na magkaroon ng 3-part episode series.
In all fairness hindi rin nagpapatalo sa rating ang Maynila na napapanood every Saturday (9:45-10:45am).
Tambak-tambak ang mga natatanggap nilang kuwento sa viewers na pinamimilian ng staff ng programa.
- Latest