^

PSN Showbiz

Gary ayaw i-baby ang sarili, pero pinag-iingat ng doktor Boy abunda

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Pilipino Star Ngayon
Gary ayaw i-baby ang sarili,  pero pinag-iingat ng doktor    Boy abunda
Gary

Nakakahataw nang muli sa pagkanta at pagsayaw si Gary Valenciano pagkatapos maoperahan sa puso ilang buwan na ang nakalilipas. Wala raw dapat ikabahala ang mga tagahanga ni Mr. Pure Energy dahil maayos na ang kondisyon niya ngayon. “Ang sabi ng duktor, ‘Gary, ikaw ang may alam nang husto sa katawan mo. Kung ano ang sa palagay mong kaya mong gawin, gawin mo. Pero ‘pag oras na feeling mo hindi mo na kayang gawin, huwag mong gawin.’ So I don’t push myself. Ang pinakaimportante ay may go signal na talaga ng doctors. Ayaw nila na i-baby ko ang sarili ko. Ayaw nila na nasa bahay lang ako at iniisip na, ‘Ay! Hindi ko na kaya, hindi ko na magagawa,’” nakangiting pahayag ni Gary.

Kahit umayos na ang pakiramdam ay dobleng pag-iingat naman ang ginagawa ngayon ng singer sa sarili. “Ipinapakita ko din naman sa tao na hinihingal din ako, pero enjoy eh. It’s really fun,” giit niya.

Bukod sa ASAP ay kabi-kabila rin ang mall shows ni Gary ngayon bilang paghahanda sa isang malaking concert sa susunod na taon. “Hahataw ako nang todo-todo. Marami din akong pinaghahandaan next year. This will serve as, hindi practice para lang alam ko kung nasaan ako when it comes to performing,” pagbabahagi niya.

JM, ibinuhos sa boxing ang pagpipigil kay Barbie

Nauugnay ngayon si JM de Guzman kay Rhian Ramos. Bukod sa pagiging mga bida ay co-producer din ang dalawa sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala na ipalalabas na sa mga sinehan simula November 14.

Para kay JM ay hindi pa siya nakahandang makipagrelasyong muli pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay. “Sa tingin ko naman makakapaghintay siya. Problema ko kasi ‘yon, ‘pag may naramdaman ako, minsan, biglang nagugulat na lang ako na, ‘Ooops! Ginawa ko pala ito,’” makahulugang pahayag ni JM.

Nalaman ng aktor na noon pa man ay may paghanga na sa kanya si Rhian pero hindi raw nagbago ang tingin ni JM sa dalaga. “Posible siguro, no’ng may araw na guwapong-guwapo ako sa sarili ko. May mga araw din na mahihiya ako, mako-conscious ako. Okay lang na ngayon ko lang nalaman kasi nakakatuwa,” natatawang pahayag ng binata.

Kamakailan ay naugnay si JM sa katambal sa teleser­yeng Araw Gabi na si Barbie Imperial. Aminado ang aktor na talagang pinigilan niya ang tunay na nararamdaman sa aktres. “Oo, pigil na pigil nga, wala muna. Suppressed muna ng feelings at kung anong nararamdaman. Idadaan ko na lang muna sa boxing,” pagtatapat ni JM.

Samantala, sumasailalim pa rin ang aktor sa counseling para sa kanyang rehabilitation program. Ayon kay JM ay malaki ang naitutulong sa kanya ni Barbie para sa patuloy niyang pagbabago. “Actually, medyo nabalik niya ‘yung youth side sa akin. Batang-bata ‘yung pananaw niya sa buhay. Masiyahin lang siya,” pagtatapos ni JM.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with