^

PSN Showbiz

Aktor na hindi masyadong sikat mas masama ang ugali kesa sa mas sikat na aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkumpara ng kanilang mga kasamahan ang dalawang sikat na personalidad sa kanilang hanay. Mas sikat nga lang si Male Personality A, mas marami kasi siyang karangalan, kumpara kay Male Personality B.

?Sikat na sikat sa buong mundo si Male Personality A, pati ang kanyang pagiging mapagkumbaba ay hinahangaan kahit saan siya magpunta, si Male Personality B naman ay may kakaibang imahe.

?Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Ibang-iba naman ang attitude ni ____(pangalan ni Male Personality A) kesa sa kasamahan niya! Wala kang maririnig na pintas tungkol sa ugali niya.

?“Marunong siyang makisama, mabait siya sa pamilya niya, lahat ng nakatulong sa kanya nu’ng wala pang lahat ang mga meron siya ngayon, e, binabalikan niya.

?“Hindi siya maramot, marunong siyang tumanaw ng utang na loob, very humble pa rin siya kahit pa ang laki-laki na ng pangalan niya ngayon sa buong mundo,” madiing paglalarawan ng source tungkol kay Male Personality A.

?Kakaiba naman ang pagkakilala ng mga nagpipista sa umpukan kay Male Personality B. Napakalayo ng kanilang pagkukumpara.

?“Naku, may kaangasan ang isang ‘yun! Kulang na siya sa PR, e, may kayabangan pa! Parang kanya na ang mundo kung umasta ang isang ‘yun! Hindi malapit sa kanya ang mga taong nakakasama niya sa line of work niya.

?“Kung si Male Personality A, e, nilalapitan, ito namang isa, e, parang iniiwasan. Napakalayo ng kanilang comparison! Milya-milya, sa totoo lang.

?“Pagdating sa pagmamahal sa pamilya, e, wala ni sa kalingkingan ni Male Personality A ang isang ‘yun! Palaging priority niya ang family niya, samantalang si Male Personality B, e, mas pinahahalagahan pa ang ibang tao kesa sa mismong mga kadugo niya!

?“Saka palaging pabibo ‘yun! Kuwento siya nang kuwento tungkol sa mga tagumpay niya, isang bagay na ni hindi mo maririnig mula kay Male Personality A!

?“Wala na kasi siyang kailangang patunayan pa, nasa kanya na ang lahat-lahat, samantalang nangangarap pa lang ‘yung isa! Kahit sa pakikisama, walang-wala silang comparison.

?“Napakalayo ng ugali nila, kailangang mag-seminar si Male Personality B kay Male Personality A, para matuto siya kung paano i-handle ang success niya.

?“Knows n’yo na kung sinu-sino sila? Napakadaling hulaan. Pak! Pak! Pak!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Regine tatantanan na  ang pagbigay ng pain

Tama lang ang desisyon ni Regine Velasquez na huwag nang pagkaabalahan pa ang pagsagut-sagot sa kanyang mga bashers. Mai-stress lang siya. Aagaw lang ‘yun ng mahalagang panahon niya na dapat ay ipino-focus na niya ngayon sa mga proyektong gagawin niya sa ABS-CBN.

?Kahit naman ano ang sabihin niya ngayon ay hindi pa rin niya mahihikayat ang mga nangnenega sa kanya na maniwala sa kanyang mga sinasabi. Ang paniniwala pa rin ng mga ito ang mas lulutang.

?‘Yun ang tinatawag na bad news. Hindi niya mapipilit ang lahat ng tao na maniwala sa kanya, na mahalin at tanggapin siya, ang unawain siya.

?Pero ang good news, hindi niya kailangang makumbinse ang lahat na maniwala at tanggapin siya, ang pinakamahalaga ay ang laman ng kanyang puso at kung ano ang mga intensiyon niya.

?Marami nang nag-aabang sa mga shows na gagawin niya sa Dos, tatlong programa na ang nakahandang pagsalangan sa kanya, magkasama sila ni Ogie Alcasid sa isa.

?‘Yun na lang ang kailangan niyang pagkaabalahan ngayon, kailangan niyang ipakita sa publiko na pangdagdag siya sa magagaling na talents ng istasyong nilundagan niya, hindi basta pangsahog lang.

?Palaging naghihintay ng dugo ang mga negatron, huwag siyang maglawit ng pain para lalo siyang pintas-pintasan at menosin, huwag niyang pabayaang maging maligaya ang ibang tao na siya ang gina­gamit na payaso.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with