^

PSN Showbiz

Sharon nakita ang sarili kay Kathryn nang dalawin ni Daniel sa Ormoc

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon nakita ang sarili kay Kathryn nang dalawin ni Daniel sa Ormoc
Richard, Kathryn, at sharon

Aminadong nakaramdam ng pagkailang si Sharon Cuneta sa muli nilang pagtatambal ni Richard Gomez. Kasamang magbibida ng dalawa si Kathryn Bernardo sa pelikulang Three Words To Forever na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong buwan. “Noong umpisa nailang ako. Naninibago kasi I didn’t know what to expect. Parang fifteen years ago since we last worked together,” nakangiting pahayag ni Sharon.

Ayon sa Megastar ay malaki ang naitulong ng pagiging magkasintahan nila noon upang mapadali ang kanilang trabaho ngayon. “Masuwerte kasi we had lot of years together, on and off, mostly on, nobody knew. Para lang ka­ming naglalaro. Actually kasi ‘yung movie light lang eh, nothing like Minsan Minahal Kita, Walang Kapalit,” giit ng aktres.

Ibinahagi rin ni Sharon kung paano si Kathryn bilang katrabaho. “Parang twelve lang ‘yung bewang niya, Tapos eighty pounds lang siya. tapos hindi magkandatuto kasi dinalaw ni Daniel (Padilla). Ganyan din ang feeling ko no’ng (magkasintahan pa) tayo (Richard). Ha-ha-ha,” natatawang kuwento ni Sharon.

Samantala, hindi raw naging madali para kay Kathryn na wala ang kasintahang si Daniel Padilla sa bagong pelikula. “Kasi parte ng growth namin individually. And sobrang happy ako at swerte ako kasi sobrang supportive niya (Daniel) about it. Malaking adjustment siya para sa akin. Hindi siya naging madali,” pagtatapat ni Kathryn.

Kamakailan ay surpresang dinalaw ni Daniel si Kathryn sa kanilang shooting sa Ormoc.

Sharlene wala nang selos kina Mika at Nash

Halos magkasabay na pinasok nina Sharlene San Pedro at Nash Aguas ang show business. Malapit na magkaibigan ang dalawa mula pa noong mga bata sila. Ngayon ay ang nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz na si Mika dela Cruz ang bagong kasintahan ni Nash.

Para kay Sharlene ay talagang ‘boyfriend material’ umano si Nash. Hindi raw nakaramdam ng selos ang dalaga nang makumpirma kamakailan na magkasintahan na sina Nash at Mika. “Hindi po, sobrang boto ako para kay Mika. Kung saan mapi-feel ni Nash na ‘yung puso niya ang napa-flutter,” paglilinaw ni Sharlene.

Maraming mga proyekto na ang pinagtambalan ng aktres at ni Nash mula pa noong mga bata sila. Aminado si Sharlene na may mga pagkakataong nakaramdam sila ng kilig ng aktor sa ilang mga eksena na kanilang nagawa noon pero mas pinili na maging magkaibigan na lamang. “Sa akin po kasi, si Nash, mas okay siya na best friend. Kasi ‘yon hindi talaga magbre-break,” giit ni Sharlene.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with