^

PSN Showbiz

Bela pinatos ang isyung ‘babae’ sa viral video ni Cesar

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela pinatos ang isyung �babae� sa viral video ni Cesar
Bela

Pinatulan ni Bela Padilla ang isang comment na kahawig niya ang mystery girl na nakahubad sa birthday video greeting ni Cesar Montano sa isang kagawad sa Sta. Ana na super viral.

Obvious na wala lang ma-comment ang follower niya nang makita ang bikini photo ni Bela na kasalukuyang nasa bakasyon sa Maldives. “My feed will be quite blue in the next few days,” ang caption lang ni Bela sa nasabing photo niya na dinagsa ng followers niya.

Pagka-klaro niya : “Hindi po ako yun,” ang maagap na sagot ni Bela sa comment na kahawig nga raw niya ang nasabing babae sa viral video na hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-identify dahil nga masyadong malayo at kahit i-zoom in hindi namumukhaan si ate girl.

 Anyway, kinorek din ng isang source ang pangalan ng sinasabing girlfriend ni Cesar kung saan meron diumano itong tatlong anak. Socorro Angeles daw ang name nito na ang palayaw ay Kath.

Diumano, parehong lalaki ang panganay dito ni Cesar at ito ngang bunso lang ang girl na one year old na ngayon. Kumalat ang photo ng binyag ng nasabing baby matapos ngang i-post ng isa sa mga ninong nito.

At ito kilalang-kilala raw ni Diego Loyzaga ang girlfriend na ito ng dating Tourism Board Chair.

May pagka-showbiz din diumano si Ms. Socorro bilang naging girlfriend daw ito noon ng isang  dating male star ng Seiko Films, si Franco Zobel na wala nang nakakaalala.

Anyway, marami pang kuwento ang source na umano’y neighbor nila Cesar noon sa Sta. Ana.

Portrait ng photo ni Rico J. sa ataul; nagkalat sa social media

OA ang ibang fans ni Rico Puno na nakikiramay sa kanyang pagyao.

Kinukunan nila ng photo ang nakahimlay na katawan ng legendary singer na namatay four days ago dahil sa cardiac arrest tapos ia-upload sa kanilang social media account.

The height na talaga ang iba sa kaadikan sa social media. Hindi man lang nila naisip na dapat naman bigyan ng proper respect ang namayapang singer.

Nagkalat ngayon sa social media ang ‘portrait’ photo ni Rico J. habang nasa kabaong.

Grabe hindi naman siguro dahil All Soul’s Day kahapon kaya nila ginawa ‘yun.

Kung sabagay wala nang pinipiling lugar ang maraming social media users may mai-upload lang.

Miss Earth 2018, mapapanood sa GMA Network

Ngayong Linggo (Nobyembre 4) na mapapanood ang grand coronation night ng international beauty pageant na Miss Earth 2018 sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).

Magtitipun-tipon ang 87 na kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo na maglalaban-laban para sa korona at titulong Miss Earth 2018. Ang mananalong kandidata ay magsisilbing role model na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang coronation night ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 3, na pangu­ngunahan ni road-safety advocate James Deakin bilang host. May special performance rin mula sa international R&B at Soul icon na si Brian McKnight.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-18 taon ng Miss Earth, siguradong mamamangha ang audience sa ganda ng Greek and Norse mythology-inspired stage design na gawa mula sa environment-friendly recyclable materials.

Sino sa mga kandidata ang magniningning at kokoronahan bilang Miss Earth 2018?

Panoorin ang telecast ng Miss Earth 2018 grand coronation night ngayong Linggo, Nobyembre 4, 10:30pm sa SNBO.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with