^

PSN Showbiz

Gabby tinanggihang maka-partner nina Megan at Marian

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Gabby tinanggihang maka-partner nina Megan at Marian
Marian at Megan

Buti na lamang at pumayag na finally si Jennylyn Mercado na makatambal si Gabby Concepcion sa isang serye ng GMA-7. Bago siya ay dalawang Kapuso actresses ang tumanggi sa role, sina Marian Rivera, at Megan Young.

Walang ibinigay na dahilan sa pag-ayaw ng ­unang dalawa pero, ang pinakahuli thought that the actor was too old for her? Anong problema ng ex ni Sharon Cuneta at nahihirapan siyang ihanap ng kaparehang babae?

Paolo nagiging suki ni Alessandra

Hindi naman siguro mai-insecure si LJ Reyes kung paboritong artistang lalaki at kapareha ni Alessandra de Rossi ang ama ng magiging pangalawang anak niya na si Paolo Contis. Alam naman ng lahat, in and out of showbiz, kung gaano sila nagmamahalang dalawa. Isa pa, as a movie producer, makakadalawang movie na si Paolo sa produksyon ni Alex. Una ay sa Through Night and Day na kinunan pa sa Iceland at ang ikalawa ay ang Ang Pangarap Kong Holdap. Wala si Alex dito pero one of the producers pa rin siya at kasama ni Paolo sina Jerald Napoles, Jason Bay at Pepe Herrera. Kumportableng friends sina Alex at Paolo kaya walang dapat ikakaba si LJ sa madalas na pagsasama ng dalawa.

Rico J. hiniram noon ni FPJ para haranahin si Susan

Nakakaiyak yung tribute ng It’s Showtime kay Rico J. Puno na naging hurado ng Tawag ng Tanghalan. Kinanta ng lahat ang signature song ng namayapang singer na The Way We Were, nakalimutan lang nilang gawin yung bersyon ni Rico na nilagyan ng Tagalog lyrics  na nagsasabing “Namamasyal pa sa Luneta nang walang pera” na isang popular na kanta ni Barbra Streisand na naging mahalagang bahagi ng ating musika nung 70’s. Napansin din ng lahat na bukod tangi si Vice Ganda na hindi nakasuot ng puti. Itim ang pang-itaas at pang-ibabang damit niya.

May isang trivia akong gustong i-share sa lahat na nung panahong hindi pa siya sikat at kumakanta pa lamang sa Spindle sa Banawe, hiniram si Rico ng biglaan ni FPJ (Fernando Poe Jr.) at dinala sa bahay nito sa Greenhills nang hindi niya alam kung bakit. ‘Yun pala birthday ni Susan Roces at gusto ni FPJ na kantahan niya ito. Ibinalik din siya nito sa Spindle, matapos ang assignment nito sa kanya. Rest in peace, Rico J.

Eerie nina Bea at Charo mauunang mag-premiere sa Singapore

Mauuna pang magkaro’n ng pa-premiere ang pelikulang Eerie ni Mikhail Red starring Charo Santos and Bea Alonzo sa Singapore Film Festival dahil next year pa iso-showing ang movie dito. Isang horror film ang Eerie na kasama sina Jake Cuenca at Maxene Magalona.

May ilang pelikulang Pinoy ang ipalalabas sa Singapore Film Festival kasama na ang Season of the Devil ni Lav Diaz at Ashes and Ghosts of Tayug 1931 ni Christopher Gozum. Mayro’n ding apat na Pinoy short films na kasama sa festival. Kasama sa competition jury si Shirleen Seno na ang Nervous Translation ay kasama sa mga mapapanood na pelikula. Tatakbo ang Singapore Film Festival mula November 29 hanggang December 9.

Tony biglang kambyo ang career

Marami ang nakaka-miss kay Tony Labruska na parang biglang preno matapos siyang ilunsad ng Star Magic. Mabuti pa ang kasabayan niyang si Donny Pangilinan at nagsisimula nang ma-establish kay Kisses Delavin at mayro’n pang serye sa ABS-CBN. Pero, mayro’n palang natapos na dalawang film ang mas gumwapong aktor dahil sa bigote nito at balbas na kinailangan niya para sa ginawa niyang movie. Bago rin ang hairdo niya Nagkaro’n ng character ang mukha niya. Malamang mapag-usapan siya kapag nagsimula nang maipa­labas ang ML movie niya with Eddie Garcia.

Inamin niyang nasaktan siya sa torture scene niya with the veteran actor. Kahit iniwas siya ni Eddie na masaktan ng husto sa kanilang eksena, nakaram­dam pa rin siya ng sakit.

May isa pang movie si Tony, ang Double Twisting Double Back. Gumaganap siya bilang isang gymnast at bahagi ng Cinema One Originals Film Festival. Isa siyang gymnast in real life since he was 13.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with