^

PSN Showbiz

Aktres maraming beses nahuli ang dating asawang aktor sa farm house na pinagdadalhan ng mga babae

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Biglang naalala ng kampo ng isang kilalang female personality ang mga pinagdaanan niya nu’ng nagsasama pa sila ng kanyang mister na kilalang aktor din.

Maraming episodes ‘yun na hindi kalimut-limot, ilang beses na nabuking ng female personality ang pangangaliwa ng kanyang asawa, pero ang ending ay siya pa ang sinasaktan nito at binabaligtad.

Parang serye sa telebisyon ang kanilang kuwento, may nagti-tip sa aktres kung nasaan ang kanyang mister, nahuhuli niya ito pero madulas ang lalaki.

Kuwento ng aming source, “May farm house kasi ang guy sa isang probinsiyang malapit lang sa Manila, slaughter house ang tawag du’n ng mga kaibigan niya, kasi nga, du’n niya dinadala ang mga babaeng natitipuhan niya.

“Hindi alam ng misis niya na meron siyang farm house, itinatago niya ‘yun sa wife niya, para wala siyang bulilyaso. Kaso, mismong tauhan ng lalaki ang nagparating sa girl tungkol sa farm house.

“Pinaalis kasi nu’ng aktor ang isang tao niya, kaya sa sobrang galit, siya mismo ang nagparating sa misis ng aktor na merong ganu’ng lugar na pinagdadalhan ng mga chika babes ang mister niya.

“Huling-huli ni misis si aktor isang araw, hindi makalabas ng bedroom ang guy, dahil meron nga silang ginagawang milagro ng isang starlet.

“Nagmatigas ang girl, hindi talaga siya umalis hanggang hindi lumalabas ang husband niya, kaya nagkaroon nang matinding away sa farm house. Away talaga, nagwala si misis, habang si mister naman, e, biglang nagbalik sa nakaraan,” simulang kuwento ng aming source.

Kapag nabubuking pala ni misis ang mga ginagawang milagro ni mister ay humahaba ang kanilang argumento. Ibinabalik pala ng aktor ang nakaraan sa kanyang misis.

“Actually, ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan nang napuno ang girl at nakipaghiwalay sa husband niya, e, dahil du’n. Binabalikan kasi ng guy ang past ng girl, masasakit na salita ang pinakakawalan niya against sa wife niya.

“Puro eksena lang naman ‘yun sa mga ginawang movies ng girl, pero pinalalabas ng guy na nagkaroon sila ng relasyon ng leading man niya. Iyak na lang nang iyak ang babae, ganu’n kasi kaliit ang tingin sa kanya ng husband niya!

“Kaya masasabi nga nating nakalaya na ang babae sa ilang dekada niyang pagkakulong sa sitwasyong ganu’n. Siya ang pinalalabas na masamang babae ng husband niya, e, siya nga itong kinakaliwa nang madalas ng guy.

“Sumisikat na ang araw ngayon sa buhay ng babae, hindi na palaging sunset ang kakumpara ng buhay niya, sa totoo lang!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mocha tinuruan ng leksiyon sa pag-abuso

Dahil inilaglag nga siya ng mga itinuturing niyang kakamping pulitiko ay papasukin na lang ni Mocha Uson ang pagkandidato bilang kinatawan ng isang Party List.

Wala man siyang kamuwangan sa bagong mundong pinasok niya ay walang choice si Mocha kundi ang panindigan ‘yun, napahiya na kasi siya nang sobra-sobra, isinasalba ngayon ng dating assistant secretary ng PCOO ang kanyang mukha.

Maganda ang naging simula ni Mocha Uson sa PCOO, pero nu’ng bandang huli ay umasim ang kanyang pangalan, masyado niya kasing ginamit ang maliit lang naman niyang kapangyarihan sa naturang sangay ng pamahalaan.

Nagmalabis naman talaga si Mocha, sumobra ang taas ng tingin niya sa kanyang posisyon, isinusuka na siya ng buong bayan sa mga kapalpakan niyang ginagawa pero ang pagtatanggol sa kanya ng pangulo ang palagi niyang ipinagmamalaki.

Hindi niya naisip na kapag sumosobra na talaga ang isang miyembro ng gobyerno ay kinakalos na, pinagbibitiw na, tulad ng nangyari sa kanya. Libong beses man niyang sabihin na siya ang nagsakripisyo ay walang maniniwala kay Aling Mocha.

Kailangang sumayad ang mga paa niya sa lupa para maisaksak niya sa kanyang utak na ang pagmamalabis ay walang magandang sorpresang hatid sa bandang dulo.

Sabi nga ng mga kababayan nating matagal nang gigil na gigil sa kanya, “Mukha mo!”

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with