^

PSN Showbiz

Maris hindi malimutan ang babae sa Balete Drive

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris hindi malimutan ang babae sa Balete Drive
Maris

Hindi makalilimutan ni Maris Racal ang kanyang naranasang kababalaghan habang dumadaan sa makasaysayang Balete Drive sa Quezon City.

Ayon sa aktres ay talagang nasaksihan niya ang isang misteryosong babae sa nasabing lugar. “First time ko noon dumaan sa Balete Drive since taga-Davao po ako. Tapos dumaan ako, sila nagkukuwento-kuwento. Hindi ko alam kung about saan. Tapos bigla na lang akong may nakita talaga. Basta girl, naka-white, long hair. Hindi ko na maisip na tao ‘yon kasi weird. Tapos may sinu-sway siyang parang bata,” paglalahad ni Maris.

“Nasa gitna siya ng road and then doon ko lang na-realize na siya pala ‘yon, noong ikinukuwento at dini-describe ng friend ko,” dagdag ng dalaga.

Kinabahan nang sobra si Maris nang makita umano ang misteryosong babae sa kalye na kanilang dinaraanan. “Kinilabutan talaga ako kasi akala ko parang wala lang. Akala ko tao siya na gusto niya lang ihele-hele ang anak niya. Pero noong na-describe siya, tapos parehung-pareho. Na-confirm ko sa sarili ko na, ‘Ah, siya pala ‘yung nakita ko,’” pagtatapos ng aktres.

Alessandra hindi inaasahang  magiging lihim ang ‘naramdaman’ kay Piolo

Abala ngayon si Alessandra de Rossi para sa promotion ng pelikulang Through Day And Night na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa November 14. Katambal ng aktres sa nasabing proyekto si Paolo Contis. Nagawa lamang ni Alessandra ang pelikula nang magtapos ang teleseryeng Since I Found You na pinagbidahan naman nila nina Piolo Pascual, Empoy Marquez, JC de Vera at Arci Muñoz.

Mas unang tinanggap ng aktres ang nasabing serye dahil sa pag-aakalang siya ang magiging leading lady ni Piolo. “Bago ‘yon, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko. Lahat ayaw ko and finally dumating ‘yung role na gusto ko kasi leading lady eh. Parang, ‘Bago ‘to, i-try nga natin,” kwento ni Alessandra.

Hindi raw inakala ng dalaga na magi­ging sekretarya at may lihim na pag-ibig sa karakter ni Piolo ang kanyang role dito. “’Yon, nag-abot naman ako ng kape at papel kay Papa P. (Piolo Pascual) So masaya naman ako na natapos na ‘yung show dahil gustung-gusto ko nang gawin ‘to (Through Day And Night). I don’t know kung ano ‘yung nakarating, the tampo and all. But hindi ‘yon ‘yung in-offer sa ‘kin na role and kung alam ko lang na mag-aabot lang pala ako ng kape, ginawa ko na ito agad (pelikula). Kasi naghihintay itong movie na ito,” pagbabahagi ng aktres.

Aminado si Alessandra na talagang sumama ang loob niya dahil sa mga pangyayari noon.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with