^

PSN Showbiz

Scandal ni Cesar at mga pictures sa binyag burado na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Deleted na ang video ng birthday greeting ni Cesar Montano para sa isang kagawad pero huli na nang burahin ito dahil marami na ang nakakopya ng Wow Mali video! Kontrobersyal ang video dahil sa hubad na babae na nahagip ng cellphone camera na hawak ni Cesar.

SCENE: Binura na rin ni CHED Commissioner Ronald Adamat ang Facebook post niya tungkol sa pagiging ninong  sa youngest daughter ni Cesar Montano. Kasama sa mga binura ni Adamat ang mga litrato na kuha sa binyag.

SEEN: Ang Through Night and Day at Kung Paano Siya Nawala ang mga Tagalog movie na magsasalpukan sa box office sa November 14, 2018. Mga bida sa Through Night and Day sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi. Lead stars naman ng Kung Paano Siya Nawala sina JM De Guzman at Rhian Ramos.

SCENE: Ang TBA Studios ang producer ng Kung Paano Siya Nawala. Bumakas sina JM De Guzman at Rhian Ramos sa TBA Studios dahil mga co-producer din sila ng pelikula nila.

SEEN: Sa December 2019 ang target airing ng pelikula na ginawa nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri para sa iFlix. Si Mark Reyes ang direktor ng project.

SCENE: Ang Encantadia ng GMA 7 na pinagbidahan nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri ang may pinakamaraming viewers sa lahat ng mga pelikula at television show na napapanood sa iFlix.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with