^

PSN Showbiz

Magandang aktres wagas ang kaartehan at pagiging sumpungin

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi kagandahan ang mga kuwentong umiikot ngayon tungkol sa isang maganda pa namang aktres. Hindi na siya bagets, pero hindi pa rin naman siya matatawag na lola, marami pa ring nabibingwit na atensiyon ang female personality dahil sa kanyang ganda.

Pero bakit kaya hindi siya nagugustuhan ng kanyang mga katrabaho? Maraming production staff din ang sumusuko sa kanyang attitude?

Kuwento ng aming source, “Naku, iniwan na rin siya ng manager niya, ‘no! Siya na lang ang nagma-manage sa career niya ngayon. Siguro nga, napuno na rin ang manager niya sa kakaibang ugali niya!

“Sino naman kasing manager ang makatitiis na puro reklamo ang tinatanggap niya tungkol sa alaga niya? Puro reklamo, puro reklamo, mga reklamong hindi niya naman madepensahan?

“E, nu’ng maghulog naman kasi ng kaartehan ang himpapawid, e, sinalo na yata ng babaeng ‘yun ang lahat-lahat, kaya naging ganyan siya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Maraming hinihingi ang female personality sa production kapag meron siyang alok para sa isang serye o pelikula. Nagtatagal ang usapan bago maisarado ang kanilang transaksiyon.

Patuloy ng aming source, “Kailangang wala siyang ka-share sa dressing room. Check! Kailangang sarili niyang make-up artist ang mag-ayos sa kanya. Check! Kailangang magkaroon siya ng cut-off kahit pa hindi pa naman siya uugud-ugod sa katandaan. Check!

“Ang dami-dami niyang rekotitos sa buhay, marami siyang kaartehan na pinalalampas na lang ng mga production dahil kailangan siya sa project. Nakakaloka ang girl na ‘yun dahil meron na nga siyang cut-off, iniisahan pa niya ang production!

“Siya ang senior version ng female personality na kapag tinatamad nang magtrabaho, e, nagbibihis na agad ng pang-uwi niya! Pinagdadamutan niya ang staff, may isang oras pa siya dapat magtrabaho bago ang cut-off niya, pero gora na siya pauwi!

“May mga panahon na wala siyang kibo, as in, parang wala siyang kakilala sa set. Pero may time din naman na kabababa lang niya sa van, e, kumakaway na siya agad sa mga dinadatnan niya!

“Maarte na, e, sumpungin pa ang lukaydang ‘yun! Ano ang akala niya sa showbiz, mapagbibigyan ang lahat ng mga kapritso niya? Ano siya, nakatira sa wonderland?” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mundo ng Musika nagluluksa sa pagkawala ni Rico J.

Nabawasan na naman ng isang poste ang mundo ng musika sa pagpanaw kahapon ni Rico J. Puno. Ang tinaguriang total performer. Ang kaisa-isang singer na kahit puro kaberdehan ang mga sinasabi sa entablado ay kinaaaliwan ng ating mga kababayan.

Ang nagpasikat ng mga piyesang Kapalaran, Lupa, Macho Guwapito at marami pang ibang komposisyon na palaging kinakanta-kanta sa videoke.

Abdominal Aortic Aneurysm ang dahilan ng pagpanaw ni Rico J. Puno, may malaking kuneksiyon sa pinagdaanan niyang operasyon sa puso dalawang taon na ang nakararaan, ang dahilan ng kanyang pamamahinga sa pagkanta nang ilang buwan.

Mula nu’n ay hindi na bumalik ang dating sigla ni Rico J. sa pagpe-perform. Nabawasan na ang kanyang kakulitan sa kanyang mga spiels, hirap na hirap na rin siyang abutin ang matataas na tono ng kanyang mga piyesa, malaki rin ang itinanda ng kanyang itsura.

May plano pa sanang kumandidato ang singer sa darating na eleksiyon bilang konsehal ng Makati. Maraming nagpapayo sa kanya na huwag nang tumakbo at alagaan na lang ang kanyang kalusugan pero ayon kay Rico ay mas manghihina siya kapag walang ginagawa.

Nawala man si Rico J. Puno ay natupad niya naman ang kanyang mga pangarap. Tinanghal siyang hari sa kanyang hanay, sumikat nang sobra pa sa kanyang inaasahan, naging makatuturan ang kanyang buhay.

Ang taos-puso naming pakikiramay sa kanyang mga iniwan lalo na kina Tosca at Rox, ang kanyang mga anak na hindi nagpabaya sa kanilang ama, mula nu’n hanggang nang duma­ting na ang kanyang panahon ng pamamaalam.

vuukle comment

RICO J.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with