^

PSN Showbiz

Cesar inilantad na ang anak sa iba!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Cesar inilantad na ang anak sa iba!

MANILA, Philippines — Kahit wala nang pakialam, maganda pa ring malaman ang reaction ni Sunshine Cruz na inilantad na ni Cesar Montano ang anak na babae sa partner niya ngayon na hindi namin makilala.

May photos sa first birthday party ng daughter ni Cesar na si Kristen na karga pa ng aktor kasama ang relatives o godparents ng bata. Lahat nang nakakita ng photos, gusto ring malaman kung sino ang ina nito.

Nasa Korea sina Sunshine at mga anak nang lumabas ang mga litrato sa birthday ng bata.  Nagbakasyon sina Sunshine at mga anak at ilang kaibigan after ng taping ng morning series na Kapag Nahati ang Puso ng GMA 7 na magtatapos sa Friday.

Lea naba-bash sa pagdepensa kay Regine

Si Lea Salonga ang latest celebrity na nagpahayag ng suporta kay Regine Velasquez na naba-bash ngayon dala nang paglipat nito sa ABS-CBN. Dalawang magkasunod na post ang ginawa ni Lea to support Regine.

“You are one of the most sincere and real people in an industry that places importance on perception. I’ve known you long enough to know who you are. You owe no one any explanation for the move to ABS. Ang mga bashers, hindi nila alam ang totoong pagkatao mo.”

“As a fan and a friend (and this was told to me by a fan to remind me of something I sometimes forget), tandaan mo mas maraming nasa likod mo na sumusuporta sa iyo. ‘Yung mga ayaw sa iyo, hindi mo kawalan. Ang mga tunay na nagmamahal ay laging magmamahal sa iyo. xo.”

May nabasa kaming paliwanag kung bakit may bashers si Regine, hindi raw ang pag-alis nito sa GMA Network ang hindi nagustuhan ng Kapuso fans, kundi ang mga sinabi ni Regine sa presscon.

Anyway, tama ang payo ng followers ni Regine na para iwas stress, i-disable muna niya ang comment box ng Instagram (IG) account niya na ginagawa nito sa iba niyang posts.

Ogie ayaw ding tantanan ng bashing

Natawa naman kami sa tweet comment ni Regine Velasquez sa tweet ni Ogie Alcasid na may kinalaman pa rin sa bashing na nararanasan ni Regine.

“Saloobin. Parang minsan ang hirap maglabas ng pansariling saloobin sapagkat marami ang nakaabang na bumatikos kahit mas nakararami rin naman ang nakiki-simpatiya ang hirap minsan. Magandang Gabi sa inyo. Peace.”

Comment ni Regine, “Bakit honey may pinagdadaanan ka ba??? Ano ba bagong chismis? I love you.”

Sa nabasa naming reaction sa tweet na ito ni Ogie, mas marami nga ang nagpahayag ng pagmamahal at suporta sa kanila ni Regine. Nangako silang hindi tatalikuran ang mag-asawa at forever ang kanilang suporta.

Sobra rin kasing naba-bash si Ogie sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN dahil siya raw ang kumumbinse kay Regine na sumunod sa kanya sa Kapamilya Network.

Onanay, extended daw

Tama kaya ang narinig namin na extended up to February next year ang Onanay? Wala pa ka­ming nakakausap na staff o kahit taga-GMA 7 sa balitang ito na ikatutuwa ng sumusubaybay sa primetime teleserye ng network.

Mahaba at malayo pa raw kasi ang itatakbo ng story ng Onanay at dahil tinatangkilik ng viewers, kaya extended up to next year. Kaya pala wala pa kaming nababalitaan na ipapalit sa show dahil tuluy-tuloy pa.

Hindi pa na-i-explore masyado ang love team nina Mikee Quintos at Enrico Villa na nag-klik sa tao sa kuwento. Isama na rin ang love triangle nila with Kate Valdez.

Tuluy-tuloy pa rin ang karakter ni Nora Aunor bilang si Nelia na sa presscon, ang pakilala sa karakter niya ay special participation at hindi raw magtatagal. Pero hanggang ngayon, napapanood pa rin si Nora.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with