^

PSN Showbiz

Derek umayaw muna sa serye kasama si Jennylyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek umayaw muna sa serye kasama si Jennylyn

Nakorner namin si Derek Ramsay sa grand launch ng Rising Era Dynasty na kung saan meron siyang produktong in-introduce kasama ang mag-asawang John Estrada at Priscila Mereilles.

Hiningan namin siya ng pahayag kaugnay sa napipintong paglipat niya sa GMA 7.

Hindi naman itinanggi ng dating Kapatid actor na nakipag-meeting sila sa ilang top executives ng GMA 7 para pag-usapan ang posibleng paglipat.

Nagulat lang daw siya na kaagad napabalita ang pakikipagkita niya sa mga taga-GMA 7.

 “Natuwa nga ako they invited my pa­rents to the meeting as well. They really did their research kung anong importante sa akin.”

Nagkaroon daw uli ng pangalawang meeting, at okay naman daw ang pag-uusap. May mga konting aayusin lang daw puwede na raw ituloy ang pirmahan.

“Gusto nilang mag-start na ako sa November, but sabi ko next year na muna. Mga detail na lang inaayos ngayon,” saad ng hunk actor.

Totoong inalok daw sa kanya ang soap ni Jennylyn Mercado pero nakiusap siyang sa susunod na taon na siya magsimula. Gusto naman daw niyang magsama sila uli ni Jennylyn sa TV dahil nakadalawang pelikula na raw sila na maganda ang kinalabasan.

Aminado rin ang aktor na malaki ang impluwensya ng bestfriend niyang si John Estrada kaya kinukunsidera niya ang alok ng GMA 7.

“John is my brother. It’s gonna be awesome na makakasama ko siya sa GMA if ever it happens. Yes, isa siya sa mga malaking reasons,” sabi pa ni Derek.

Totoo naman daw iyun sabi ni John na nagtanong sa kanya si Derek at parang kinumbinse niyang tanggapin na ang alok ng Kapuso network.

Nasa Amerika lang daw ngayon ang manager niyang si Jojie Dingcong. Pagbalik nito, maaring ma-finalize na raw lahat.

Toni ililigwak sa ASAP, babaguhin para kay Regine?!

Hindi gaanong humataw sa rating ang first appearance ni Regine Velasquez-Alcasid sa ASAP na ginawa nila sa Sydney.

Tinutukan namin ito nung Linggo, October 28 pati ang katapat na Sunday Pinasaya. Nagpapatawa lang ang mga taga-SPS kasama ang guest niyang si Ryzza Mae Dizon nung lumabas ang Asia’s Songbird.

Hindi ko nga ma-gets ang style ng comedy ng mga taga-SPS, pero kinagat ito ng mga manonood at madalas daw nilang natatalo ang ASAP.

Kinagabihan ay tinutukan ko rin ang guesting ni Regine sa Gandang Gabi Vice, pero hindi ko rin tinapos dahil na-bore ako sa interview ni Vice Ganda sa kanya. Ewan ko kung ganun din ang feeling ng mga nakapanood dahil naka-4.2 percent lamang ito. Ang I Can See Your Voice na kung saan si Kuh Ledesma ang guest, naka-5 percent naman, pero ang katapat na Sunday Night’s Box-office na kung saan tampok ang pelikulang The Purge na tinagalog, nakakuha ito ng 5.8 percent.

Samantala, nabalitaan din naming magkakaroon daw ng reformat ang ASAP sa pagpasok ni Regine.

Kasama raw ni Regine dito si Sarah Geronimo at may ilang mainstays na matatanggal na.

Totoo kayang isa sa tatanggalin si Toni Gonzaga?

Pati ang mga staff na kasama sa pagsisimula ng ASAP ay pinalitan na rin daw.

Kaya tingnan natin kung paano nila babanggain ang Sunday Pinasaya.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with