^

PSN Showbiz

Actor-TV host na hanggang langit ang kakuriputan, napahiya nang mangantyaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa taping ng isang show sa isang malaking network ay pinagpistahan ng mga production people at ng iba pang mga hosts ang isang male personality na kasamahan nila na ang kakuringan ay abot hanggang langit.

?Sobrang kuripot kuno ang kanilang kasamahan. Kapag nagkakaroon siya ng raket sa ibang bansa ay hindi na umaasa ng pasalubong ang kanyang mga katrabaho dahil alam na!

?Kuwento ng aming source, “Ang pinakasimpleng pasalubong na puwede niyang ibigay, di ba, e, ang mga nabibiling malalaking pack ng chocolates sa airport?

?“Pero kahit ‘yun, hindi bumibili si ____(pangalan ng actor-TV host na kuripot), talagang wala siyang planong magpasalubong sa mga katrabaho niya, samantalang kumita naman siya sa raket, di ba?

?“So, habang nagpapahinga sa dressing room niya nu’ng taping ang subject, e, siya ang pinagpipistahan ng mga kasamahan niya! Tawanan sila nang tawanan, talaga raw boksi­ngero ang mga kamao ng co-host nila, dahil palaging sarado!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

?Pero may kuwento pa ang impormante, may bini­bili raw namang malalaking pakete ng pasalubong na tsokolate ang male personality pero tinitiyani lang niya, wala siyang binibigyan.

?“True! Marami siyang chocolates na baon sa show, pampataas nga naman kasi ng energy ‘yun, pero kumakain siyang mag-isa. Wala siyang binibigyan, sinosolo lang niya ang paglafang.

?“Nakita pa nga siya ng mga alalay ng mga co-hosts niya na sarap na sarap sa paglantak ng mga imported chocolates, pero wala siyang binibigyan, wala sa bokabularyo ng male personality ang sharing.

?“Pero makantiyaw siya, ha? Kapag may rumaraket na mga kasamahan niya abroad, e, siya ang unang-unang nangangantiyaw, siya ang pinakaunang naghahanap ng pasalubong!

?“Napahiya nga siya nu’ng minsan dahil ang sabi ng isang co-host niya, ‘E, ikaw, kapag rumaraket ka, naaalala mo man lang ba kaming pasalubungan? Sobrang kuripot mo, chocolates lang, ipinagdadamot mo pa?!’

?“Pahiya siya, pero ganu’n pa rin ang ugali niya, hindi pa rin siya marunong mag-share. Kahit nga ang driver niya, e, sa set pa niya pinakakain, ayaw niyang bigyan ng food allowance dahil may libreng food naman sa studio!

?“Maramot siya sa pasalubong, maramot din siya sa food, sobrang kuring nga ng male personality na ‘yun!” nakataas ang kilay sa tenth floor na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Rannie nagpaka-professional, tinuloy ang concert kahit nagluluksa sa ama

Isang araw bago ginanap ang concert ng The OPM Hitmen na binubuo nina Richard Reynoso, Renz Verano, Chad Borja at Rannie Raymundo sa Music Museum ay namayapa ang ama ni Rannie na si Daddy Nilo.

?Matindi ang pag-aalala ng kanyang mga kagrupo, makakaya pa kayang mag-perform ni Rannie, samantalang matindi ang kanyang pinagdadaanan? Si Richard ang nagtanong kay Rannie kung ano ang kanyang plano.

?Positibo ang sagot sa kanila ni Rannie, the show must go on, ang gagawin nilang show ang magiging pinakahuli niyang pabaon sa kanyang namayapang ama.

?At tinupad ng magaling na singer ang kanyang pangako, nang magsimula na ang kanilang concert ay parang walang nangyari sa kanilang pamilya, bigay na bigay ang kanyang performance.

?Walang kaalam-alam ang audience na nakaburol ang tatay ni Rannie nang gayahin niya ang pagkanta ni Renz ng pinasikat nitong piyesang Remember Me.

?Plakadung-plakado niya ang boses ni Renz, pati ang mga galaw ng kanyang kasamahang singer, matindi ang palakpakang ibinigay ng audience kay Rannie sa parteng ‘yun.

?Nang matapos na ang matagumpay na concert ng The OPM Hitmen ay saka lang nalaman ng mga nanood na patay pala ang daddy ni Rannie. Sama-samang dumalaw sa Sanctuario de San Jose ang kanyang mga kagrupo pati ang kanilang guest na si Dulce.

?Sabi ni Rannie, “Itong huling show na ito, parang ito ang pinakahuling pabaon ko sa daddy ko. Napakasakit ng pagkawala niya, pero ito ang gusto niya, ang mag-perform pa rin ako. Siya ang palaging nagpapaalala sa akin ng professionalism.”

?Ang taos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ni Daddy Nilo Raymundo.

vuukle comment

OPM HITMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with