^

PSN Showbiz

Janine ‘di na interesado sa drama nina Elmo at Janella

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Janine �di na interesado sa drama nina Elmo at Janella
Janine

Hindi maiwasang mabanggit ang pangalan ni Janine Gutierrez sa isyu nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil ex-GF ni Elmo si Janine. Ang tanong ng netizens, sinaktan daw ba kaya ni Elmo si Janine? May isang netizen na sumagot na ‘yun ang rason ng break up dati nina Janine at Elmo.

In all fairness kay Janine, never siyang nagsalita sa rason ng break-up nila ni Elmo, kahit konting salita, wala itong sinabi at ang nabanggit lang ay painful break-up ang nangyari sa kanila. Dahil doon, hindi sila nag-uusap.

Nang ma-interview si Janine sa press visit namin sa taping ng Victor Magtanggol, nasulat na ang tungkol sa pananakit ni Elmo kay Janella at natanong si Janine rito.

“Hindi” ang maiksing sagot ni Janine kung sinaktan ba siya ni Elmo noong may relasyon pa sila. Dahil tingin namin hindi siya interesadong pag-usapan si Elmo, hindi na kami nag-follow-up ng tanong.

Masaya na si Janine ngayon sa piling ni Rayver Cruz, at hindi na tamang balikan pa ang nangyari sa kanila ni Elmo.

Samantala, masaya si Janine na mapasama sa cast ng Victor Magtanggol dahil para silang isang pamilya. Si Alden Richards daw ang nagle-lead sa buong cast at alaga nito ang mga kasama sa action/fantaserye.

Nang i-post nga ni Alden sa IG story ang photo ng cast ng Victor Magtanggol na inimbitahan nito sa dinner sa bahay nila sa Nuvali, Sta. Rosa sa Laguna, ang caption ay “Mahal ko kayong lahat.”

Uge ididirek ang sarili

Director na rin si Eugene Domingo dahil sya ang director ng Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken. Nabasa namin ang short announcement na “To all the fans of #angbabaesaseptictank I invite you to follow Eugene Domingo as she directs her first film.”

Si director Chris Martinez yata ang scriptwriter ng movie dahil siya ang nagre-research. Nagsu-shooting na ang pelikula, pero parang hindi pa nabanggit kung nahanap na nila ang aktor na gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal.

Speaking of Eugene, dumating sa bansa ang BF ba o asawa na niya na si Danilo Bottoni at nag-cameo siya sa Dear Uge episode last Sunday. ‘Katuwa dahil nag-request si Mr. Bottoni ng polvoron at ensaymada.

Magaling  na aktor,  nagpakalunod  sa alak nang dumalo  sa filmfest abroad

Hindi maganda ang ibinigay na impression ng magaling na aktor sa mga kasama niyang dumalo sa isang film festival sa ibang bansa. Usap-usapan na laging lasing ang aktor gabi-gabi at tuwing may natatapos na event ang Philippine delegate.

Nahiya lang ang mga kasama ng aktor na pagsabihan siyang hindi maganda ang kanyang ginagawa dahil bukod sa may edad na ay iginagalang pa nila ito. Sana raw, nakuha sa tingin ng kanyang mga kasama ang aktor at hindi na inulit the first night na nalasing siya.

Kaso, hindi ito nakuha sa tingin, inulit ang ginawa at the whole time na nasa ibang bansa sila ay lasing lang ito. Ang maganda lang, hindi gumawa ng eksena ang aktor habang lasing at kahit lasing the night before, kinabukasan ay dumadalo sa scheduled event ng Philippine delegate.

Sanya kilig na kilig sa pangako ni Pia

Kinilig si Sanya Lopez sa message sa kanya ni Pia Wurtzback sakaling ituloy nito ang pagsali sa beauty pageant. Sabi ni Pia, nakahanda siyang tulungan si Sanya kung ready na siyang mag-training. Sabihan lang daw siya kung gusto nang mag-training ni Sanya.

“Can’t help myself not to post this KINILIG talaga ako. Love you Ms. @piawurtzbach.”

Pangarap din ni Sanya na sumali sa beauty pageant, kaya lang, inuuna muna nito ang showbiz career niya dahil sayang nga naman kung ngayon niya iiwan.

Saka, marami pa silang dream ng kapatid na si Jak Roberto para sa kanilang ina na matutupad lang kung nasa showbiz sila.

Mapapanood si Sanya sa action-drama series na Cain at Abel bilang asawa ni Dennis Trillo.

Malaking bagay kay Sanya na makapareha si Dennis at makasama pa si Dingdong Dantes. Sa November na ang pilot ng teleserye ng GMA 7.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with