John Lloyd pakalat-kalat sa mga kainan
MANILA, Philippines — Spotted everywhere si John Lloyd Cruz.
Nakikita siya sa restaurant, driving around Pasig, sumasakay ng jeep, bumibili ng street food at kung saan-saan pa, like a normal person.
Pinili niyang magpaka-normal for almost a year now kaya naman nakaka-halubilo na rin siya ng fans na dati ay hirap siyang makita.
Marian ‘di pa naamin ang role sa Fantastica
Kahit may nag-confirm na may cameo role nga si Marian Rivera sa Fantastica, official entry sa MMFF 2019 ni Vice Ganda, hindi pa ito diretsahang inamin ng preggy actress/TV host na formal na pinakilala kahapon as first ambassadress ng Beautederm Home by Reverie. Ayon kay Marian, hindi pa raw niya alam kung puwede nang sabihin, baka raw mapagalitan siya.
Pero pinuri niya si Vice Ganda sa kabaitan nito.
Faney na faney si Vice kay Marian nang magkita sila sa shooting ng movie last week.
Aside from Marian, may special role din diumano si Sarah Lahbati sa Fantastica.
Parehong leading man ni Vice sina Dingdong Dantes and Richard Gutierrez sa filmfest entry.
Ayaw ding mag-comment ni Marian tungkol sa paglipat ng ninang Regine nila sa ABS-CBN.
Ani YanYan, wala siya sa position para mag-comment pero nalungkot siya na nag-decide itong mag-iba ng network.
- Latest