^

PSN Showbiz

Baron puro Diyos na ang bukambibig

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Baron puro Diyos na ang bukambibig
Baron

SEEN: Ang pangako ni Joko Diaz na hindi siya magiging stage father sa kanyang 14-year old daughter na si Ashley Diaz na pumirma kahapon ng exclusive contract sa Viva Artists Agency. Maging singer ang pangarap ni Ashley.

SCENE: Ngayong gabi ang grand reveal sa 2019 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. Ang hula na isang beauty queen ang bagong calendar girl dahil sa clue na “The Most Beautiful Calendar Girl in the Universe.”

SEEN: Overwhelmed ang cast ng Pamilya Roces dahil sa mataas na rating ng show nila noong Biyernes, October 19.

Scene : Mababa ang likes sa mga balita tungkol sa sighting na magkasama sina Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil hindi natutuwa ang fans na nali-link ang dalawa sa isa’t isa.

SEEN: Hindi sineryoso ang panawagan na i-boycott si Aga Muhlach dahil sa statement niya tungkol kay Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang guesting noon sa Gandang Gabi Vice. Mas marami ang kampi at nakikisimpatiya kay Aga. 

SCENE: Damay sa mga batikos ang television director na si Lino Cayetano dahil kakandidato sila ng kanyang mga kapatid sa Taguig City sa eleksyon sa 2019. Tatakbo si Lino na mayor ng Taguig City, senador ang kanyang kapatid na si Pia at mga house representative ng magkahiwalay na distrito ang mag-asawang Allan Peter at Lani Cayetano.

SEEN: Naninibago kay Baron Geisler ang lahat ng mga kaibigan at tao na kanyang nakakasalamuha dahil puro tungkol sa Diyos ang bukambibig niya. Ipinag­darasal nila na tuluy-tuloy na ang pagbabagong buhay ni Baron.

SCENE: May mga natatanggap si Claudine Barretto na television offers pero pinipili niya ang mga project na gagawin.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with