Mother Lily excited sa One Great Love
Excited na si Mother Lily Monteverde sa One Great Love, ang official entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2018.
One great movie ang description ni Mother Lily sa pelikula starring Dennis Trillo and Kim Chiu with JC de Vera.
Siyempre relate si Mother Lily sa istorya ng One Great Love, isang tao na nakasama mo sa habang-buhay sa kabila ng inyong mga pinagdaanan.
Sa kuwento ng pelikula, willing ba kayong mag-sacrifice at dumaan sa lahat ng level ng pain para lang magkaroon nito?
Destiny nga ba ang One Great Love o puwede natin itong piliin?
At dito nga sa MMFF entry ng Regal Films, mapapanood ang malalim na kuwento ng one great love na lahat tayo I’m sure ay meron.
Nang makatsika namin three nights ago si Mother, aniya hugot-bangon story na relatable ang kuwento – love and relationship.
Ibang Kim din daw ang mapapanood dito na nakilala sa romantic-comedy roles. Kumawala muna sa kanyang comfort zone si Kimmy at level up sa mature character bilang si Zyra. As in mature si Kim at pumayag sa love scenes with Dennis.
Si Dennis si Dr. Ian Arcano, a heart doctor na naniniwala sa sanctity of family and keeping it that way. Ian is a dependable friend to Zyra, but then eventually falls in love with her.
“Magagaling lahat dito umarte. Baka makakuha sila ng awards. Totoong magagaling. Maganda ang pelikula para sa Pasko. One Great Movie to watch out for,” habol pa ng Regal Films matriarch. Directed by Eric Quizon, One Great Love opens in cinemas on December 25.
- Latest