^

PSN Showbiz

Aktres na nakitang umiinom sa bar, nag-unwind lang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagsumbong ang fan ng isang love team sa ina ng aktres na parte ng love team na nakita ang anak niyang aktres sa isang bar na umiinom at kasama ang mga kaibigang beki at tomboy.  Ang OA lang ng fan sa pagsusumbong dahil napariwara na raw ang aktres mula nang mag-break sila ng boyfriend na ka-love team din nito.

Nakalimutan ng sumbungerang fan na nasa right age na ang aktres at hindi na kailangan ang approval ng ina kung saan siya pupunta at kung kanino sasama. Saka, mas kilala naman ng aktres ang mga kaibigan kesa sa sumbungerang fan.

May fans ang aktres na ipinagtanggol siya, bukod sa nasa tamang edad na ang aktres, walang masama kung uminom man siya paminsan-minsan. Nag-unwind lang naman ang aktres sa mga nangyari sa kanila ng dating ka-love team at bf niya.

Gabbi ayaw tantanan ng bashers

Hindi namin maintindihan kung bakit ang daming bashers ni Gabbi Garcia, wala namang ginagawa ang aktres? Kapag nag-post sa social media ang isa sa mga bida ng Pamilya Roces, kasunod na ang sunud-sunod na bashing.

Kesyo, hindi naman daw maganda si Gabbi, starlet at hindi sikat, pero pina-follow nila, nagko-comment sila sa mga post nito.

Pati ang pagpo-post ni Gabbi sa date nila ni Khalil Ramos, may reaction din ang bashers. Bakit daw pati ‘yun ay kailangang ipaalam? Nakalimutan ng basher na sa Instagram (IG) account niya nagpo-post si Gabbi at nakikibasa lang sila.

Mabuti na lang at deadma sa bashers si Gabbi at nang makausap namin sa taping ng Pamilya Roces, nabanggit na naiintindihan niyang hindi lahat ay gusto siya.

Samantala, sa ayaw at gusto ng bashers ni Gabbi, nagugustuhan ang acting niya bilang si Jade Roces sa Pamilya Roces. Kering-keri ni Jade ang role ng Inglesera at mataray na fashionista at blogger.

 

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with