^

PSN Showbiz

Jennylyn hindi itatambal kay Derek

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn hindi itatambal kay Derek
Jennylyn

Ilang executive ng GMA-7 ang naka-text namin para klaruhin kung totoong magiging Kapuso na ulit si Derek Ramsay.

Iyun kasi ang kumakalat na kuwentong meron daw ganung pag-uusap. Pero itinanggi pa ito ng ilang taga-GMA. Wala silang tiyak na sagot kung totoo ba o hindi.

Medyo nagduda kasi kami na baka si Derek ang magiging leading man ni Jennylyn Mercado sa bagong drama series na gagawin niya.

Nalaman kasi naming pinalitan daw ang ser­yeng gagawin ng Kapuso Ultimate Star.

Ang unang nabalitaan namin, sa Tokyo, Japan ku­kunan ang karamihang eksena, pero napalitan pala ito.

Tinanong namin ang manager niyang si Becky Aguila kung si Derek nga ba ang makakasama ni Jennylyn, hindi na kami sinagot.

Pero kinumpirma ng isang GMA-7 executive na hindi nga raw si Derek ang makakasama ni Jennylyn. Ang nakumpirma lang namin sa ilang taong malapit kay Derek, meron nga raw negotiation sa susunod na linggo.

VM, Onanay at Asawa Ko… papasyal sa EK!

Magkakaroon pala ng maagang pamasko ang buong cast ng Victor Magtanggol, Onanay at Asawa Ko, Karibal Ko sa Enchanted Kingdom ngayong araw, October 20 na tinawag nilang KapusoatEK.

Si Alden Richards ang mangunguna sa grupo ng Victor Magtanggol kasama sina John Estrada, Andrea Torres, Pancho Magno at Yuan Francisco.

Sa Onanay cast naman ay magpapasaya sina Jo Berry, Kate Valdez, Eunice Lagusad, Jenzel Angeles, at Sofia Pablo.

Sina Kris Bernal, Jason Abalos at Thea Tolentino naman ang tampok sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.

Alfred hindi takot sa kalaban

Tuwang-tuwa naman si Cong. Alfred Vargas nang sinamahan siya ng asawa niyang si Yasmine nang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa Comelec sa Intramuros nung nakaraang Miyerkules, October 17. For re-election si Alfred bilang Represen­tative ng 5th district ng Quezon City.

Matagal-tagal din kasing naka-bed rest si Yasmine dahil sa nahirapan siya nung first trimester nang pagbubuntis niya. Pero ngayong nasa six months na siya, okay na raw siya at nakayanan na niya ang matao at mainit na lugar nang mag-file ang kanyang asawa.

Inaasahan nila ang safe na pagluwal ng kanilang magiging baby boy na papangalanan nilang si Alfredo Cristiano III.

May kumalaban ngayon kay Alfred, hindi kagaya nung nakaraang eleksyon na un-opposed siya. Pero ayon sa mga napagtanungan namin, malakas naman si Alfred at mahirap siyang talunin dahil sa mga nagawa naman niya sa kanyang distrito ng Quezon City.

Isa rin si Alfred sa sumusuporta sa Gender-Equa­lity at Anti-Discrimination Bill na unang ipinatupad sa Lungsod ng Quezon.

Bahagi sa campaign na maisakatuparan ang naturang bill na isinumite ng konsehal ng QC na si Ma­yen Juico, magkakaroon uli ng Quezon City In­ter­national Pink Film Festival 2018 na inilunsad na kahapon.

Magsisimula ang naturang international filmfest sa November 14 hanggang 25 na kung saan may mga Pinoy Pink films ding gawa ng ating mga filmmakers ang ipalalabas.

Muling mapapanood ang documentary film na Call Her Ganda tungkol sa pinaslang na si Jennifer Laude.

vuukle comment

DEREK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with