Dahil kay Regine? Sharon at Lea, laglag na sa Idol Philippines?!
MANILA, Philippines – Agree ako with Nay Lolit Solis na Regine Velasquez overload na.
Wow, in all fairness, lahat ng galaw kasi niya tinututukan pagkapirma ng kontrata sa ABS-CBN two days ago.
Ngayon ay nasa Sydney Australia siya for ASAP at ang nire-rehearse niya, ang Christmas station ID ng Kapamilya Network.
Pati ang suot ni Regine during the contract signing, nakalkal na nagamit na niya sa isang event.
Pati ang funny reaction ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate, lumutang rin. Sabi raw ng anak niyang si Nate exclusive siya sa GMA pero ngayong nasa ABS-CBN na siya, Kapamilya na rin siya (Nate) at banned na ang GMA.
Pati parody account ni Boss Vic del Rosario active din for Regine kung saan ang nasabing parody account ang nag-tag na makakasama ni Regine na mag-judge sa Idol Philippines sina Sarah Geronimo, Vice Ganda and Martin Nievera.
Meaning laglag na sina Sharon Cuneta, Bamboo and Lea Salonga na kasama ni Sarah na judges sa The Voice.
Wala namang nabanggit dun kung sino ang magho-host ng Idol Philippines.
- Latest