^

PSN Showbiz

Piolo at Regine matagal naghintayan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo at Regine matagal naghintayan
Piolo at Regine

Isang ganap na Kapamilya na si Regine Velasquez dahil nakapirma na ng kontrata ang singer noong Miyerkules sa ABS-CBN. Masayang-masaya si Piolo Pascual dahil matagal na raw hinihintay ng aktor ang paglipat ng bakuran ng kaibigan.

Kahapon ay lumipad na ang Asia’s Songbird patungong Australia para sa ASAP Live in Sydney na gaganapin bukas, October 20.

“Ilang taon ko na hinihintay ‘yan. Finally she’s guesting in Sydney. We’re just really excited tinanggap na niya, pumunta na siya rito. I’ve worked with Reg and she’s one of the nicest, kindest people in this industry,” bungad ni Piolo.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ng aktor si Regine. Matatandaang nagkatambal na ang dalawa noong 2002 sa Maalaala Mo Kaya at sa pelikulang Paano Kita Iibigin noong 2007.

“I don’t know kung gagawa pa ng pelikula si Reg but yeah anytime. Reg is a very versatile actress and yeah magaling siyang artista lalo na sa singing. Wala tayong puwedeng sabihin,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Andi nami-miss nang mag-ayos ng sarili

Para kay Andi Eigenmann ay malaking-malaki na ang kanyang ipinagbago. Dala raw ito marahil ng kanyang mga karanasan sa buhay. “I feel like in the past, after having a daughter, I entered in wrong relationship, for me I’m young, it’s okay. It’s part of the experience. But now that I’m older, I’m really thinking about settling in the province with my daughter. It’s safe to say that the relationship I have now is more serious,” makahulugang pahayag ni Andi.

Kahit matagal-tagal nang naninirahan sa Baler ang aktres ay hinding-hindi naman daw nito tatalikuran ang pag-aartista.

Malaki ang pasasalamat ni Andi sa Viva Films dahil sa muling pagkuha sa kanya para sa pelikulang All Souls Night na ipalalabas na sa mga sinehan simula October 31.

“Akala ko kinalimutan na ako ng mga tao. Okay naman sa akin kasi ako ‘yung nag-decide na lumayo. Kaya sobrang natuwa ako na tinawagan ako ni boss Vincent del Rosario,” kuwento ng aktres.

Samantala, nami-miss na raw ngayon ni Andi ang pag-aayos sa sarili dahil paminsan-minsan na lamang siya nagkakaroon ng proyekto. “Dressing up and looking nice, getting my hair blown up. I enjoy it more now, noong nag-aartista pa ako laging sinasabi ng tao na hindi daw ako marunong mag-ayos. Kaya no’ng nawala ako sa showbiz, na-realize ko na I’m not innate na mag-ayos,” natatawang pagtatapos ni Andi.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with